Clyde's pov
I received a text from dad. He invited me to have dinner in their house. I don't want to agree at first. Nagdahilan pa ako na busy ako. Sigurado kaseng hindi ako welcome. Especially into Danica and Gab's sight. But I know that, dad is dad. Once na magsalita sia, dapat ay sinusunod. Kaya naman nagpunta ako.
Pagdating ko, daddy is watching news from their 72 inches flat screen television in the living room while drinking coffee.
"Dad, I'm here." Umupo ako sa kabilang side ng sofa.
"Coffee?"
"Huwag na dad. Nag coffee na ako sa labas."
Nakarinig ako ng mga nagkakaingay na babae sa parteng kitchen.
"Magbalat ka ng patatas." Narinig kong tinig ng isang babae na for sure ay si Danica.
"Eeeew, why pa? We hired maids sa bahay to do that for us. So hindi ko gawain yang mga ganyan." Is that Irish? Kay Irish na boses yon ah.
"Eh wala ka sa bahay mo at naririto ka sa teritoryo namin kaya huwag kang maarte. Tumulong ka dito."
"May maids naman kayo ah. Why not sila na lang?"
"Ano bang narinig kong sabi ni daddy sayo? Diba sabi nia, pagtulungan natin ang pagluluto dito."
"Whatever."
Napansin ko ang mga pasimpleng pagngiti ni Daddy dahil siguro sa pakikinig sa mga nagtatalo sa kusina. Mahal na mahal ni daddy ang prinsesa niang si Danica. Noon pa man, kahit na anong hilingin nito ay ibinibigay ni dad. Tuwing umuuwi si daddy sa bahay namin ni mommy noon, madalas siang magkwento sakin ng mga bagay bagay tungkol kay Danica that's why I admired her too. Kaya mula ng hilingin ni Danica na gusto niang pasukin ang pagpapayabong ng isang kumpanya, agad niang itinayo ang RPI para maibigay sa kanya. Even Irish Reyes was very special to dad too. Anak sia ng best friend niang si tito William Reyes. Maliit palang ito ay parang anak na rin ang turing nia dito. Kaya naman ng lumaki na kami ay bigla nila kaming ipinagkasundo na makasal sa future.
Pero sa hindi malamang dahilan ay biglaang nawala ang mag-amang Reyes. Akala namin ay hindi na sila babalik. Dahil doon ipinakilala ni mommy si Tricia sakin na anak daw ni tita Amelia, na-arranged marriage muli ako para sa ibang babae. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay nagbalik si Irish. Muli ay itinutulak na naman ako ni daddy na makasal dito. For sure ay magtatalo sila ni mommy tungkol sa bagay na ito.
At ngaun nga ay magkasama sina Danica at Irish sa kusina. Magkasundo naman sila noon. Hindi sila totally best of friends pero close sila noon. Alam kong masaya si daddy noon na naging magkaibigan ang mga prinsesa nila ng best friend niang si tito William. Pero nasira iyon. Sinira ko yon.
"Nandyan nga pala si Irish. Kasama natin siang magdidinner."
Ito marahil ang dahilan kaya nia ako inaya to have dinner with them. Para ilapit na naman ako kay Irish to talk about marriage.
YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Gizem / GerilimDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"