Featured by Mr. Manual Mercado
Narration
(During Manuel Mercado's Era)
College years. May barkada si Manuel Mercado at sobrang saya nila. Graduating sila sa kursong Business Administration. Sia, si Sussy Tan, si Simon Lim, si Ana Luz Merced, si William Reyes at si Amelia Del Rio. Tanyag ang kanilang samahan dahil sila ang pinaka mayaman sa buong University. Inaasahan na nila na someday sila na ang magmamana ng mga negosyo ng kani-kanilang angkan. Girlfriend ni Manuel si Sussy Tan, ang running Magna Camlaude ng University. Sobrang ganda nito at sobrang talino. Ms. Perfect nga ang bansag sa kanya sa buong University. Tatlong taon na silang magkasintahan ni Manuel. Best of friends sina Amelia at Sussy. Si Amelia ang nagtulay kina Manuel at Sussy para maging magkasintahan. Habang si Simon Lim naman ay masugid na nanliligaw kay Ana Luz Merced. Ngunit hindi nito pinagtuunan ng pansin dahil sa lihim na pag-ibig kay Manuel. Tahimik lang itong si Ana Luz. Ang malapit naman kay Manuel ay si William. Sina Manuel at William ang best of friends at si William lang ang napapagsabihan ni Ana Luz tungkol sa lihim na pag-ibig nito kay Manuel.
Lingid sa kaalaman ng iba, may ilegal na negosyo ang pamilya nina Amelia at Sussy. Business partners ang mga magulang ng mga ito at sila ang magiging taga-pagmana.
Napag-alaman na ng dalwang babae ang tungkol dito at pagka-graduate nila ng kolehiyo ay itururo na sa kanila ang paraan ng pamamahala ng isang ilegal na negosyo. Walang alam si Manuel tungkol doon. Walang balak si Sussy at Amelia na ipagsabi ito sa mga kaibigan.
Ang magulang naman ni Ana Luz ay may malaking impluwensya sa politika dahil Senador ang tatay nito at Congresswoman ang ina. Habang ang pamilya ni William ay nagpapatakbo ng mga bars at casino sa Metro Manila. At ang pamilya ni Manuel ay may paliparan sa Cebu, Tagaytay at Manila, plus food factories.
Maayos ang kanilang samahan habang sila ay mga nag-aaral pa.
Dumating ang graduation day. Tatahakin na nila ang kani-kanilang propesyon.
Nagpapaalam na si Sussy kay Manuel dahil pupunta na ito sa Europe kasama si Amelia. Business matters ang dahilan nito. Pero nangako si Sussy na sa pagbalik nia ay magpapakasal sila.
Malungkot ang kanilang naging pagpapaalam. Dahil talagang mahal na mahal nila ang isa't isa. Inihatid nia ito sa airport. Doon, nagpropose sia ng kasal. Binigyan nia si Sussy ng isang singsing na may nakaukit na pangalan nia. Ganoon din yung sa kanya na may nakaukit na pangalan ni Sussy. Nagkaroon sila ng pangako na once bumalik si Sussy ay ikakasal agad sila.
Sa loob ng anim na buwan ay tuloy tuloy ang kanilang komunikasyon hanggang bigla na lang itong natigil. Wala ng dumadating na sulat o tawag mula kay Sussy. Maging si Amelia ay hindi na rin nito makausap. Tinanong nia ang ibang barkada ngunit wala rin silang maisagot.
Hanggang isang araw ay ipinaalam ng magulang ni Manuel sa kanya na ipakakasal sia kay Ana Luz Merced.
Labis ang kanyang naging pagtutol dahil una sa lahat, alam niang mahal na mahal ni Simon si Ana at may binitawan siang pangako kay Sussy.
Sa kabilang banda. Sa pagiging desperada ni Ana Luz na maging kanya si Manuel, lahat ginawa nia para mapapayag ang mga magulang nia na kay Manuel sia mapakasal. At nagwagi sia. Nagkaroon sila ng engagement celebration. Sa loob ng limang buwan ay naisaayos ang kanilang kasal.
Natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib na walang pagmamahal mula kay Manuel. Labis ang naging galit ni Simon sa mga ito at hindi na nagpakita.
Nagkaroon sila ng isang supling. Pinangalan nila itong Gabriel. Gabriel Mercado. Batang kahit kailan ay hindi binigyan ng pagmamahal ni Manuel. Gaya ng ginagawa nito kay Ana Luz. Civil sila masiado sa bahay. At umaaktong maayos pag humaharap sa ibang mga kaibigan o mga kasosyo sa negosyo.
YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Misterio / SuspensoDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"