Chapter 26: Trio

15 0 0
                                    

Alynie's pov

Awkwardness- yan ang nararamdaman ko ngaun. Sunday morning at ritual bonding na namin ni Gab na mag breakfast dito sa bahay nila. Every 6 am pag Sunday ay sinusundo ako ni Gab sa bahay habang si Danica naman ay naghihintay sa kanilang bahay at nagluluto ng almusal.

At ngaun nga, hindi lang kaming tatlo ang nasa hapagkainan.

Naroon din si Mr. Mercado. Walang kahit sinong nagsasalita. Tanging mga tunog lang ng kubyertos at plato ang maririnig.

Habang sa aming matahimik na pagkain, biglang nagring ang cellphone ni Mr. Mercado.

"Ok, ok. We're still eating. Come in." Saad ni Mr. Mercado na may kausap sa kabilang linya. Mukang meron itong bisita.

"Sussy's at the gate. She's joining with us for breakfast."

Nagkatinginan sina Dan at Gab. Maging ako ay biglang natensyon. Parang hindi ata nila gusto ang bisita base sa ekspresyon ng kanilang muka.

"But, why dad? She's not welcome in this house." Ani Danica. Di ko sia maintindihan. Sino si Sussy? Sa pagkakaalam ko, Ana Luz ang pangalan ng mommy nila at patay na ito. Hindi kaya, bagong kasintahan ni Mr. Mercado?

Then that Sussy entered.

She kissed Mr. Mercado at his cheeks "Hi Sweety." bago naupo sa tabi nito.

"Buti hindi ka natraffic." Nakangiting tugon ni Mr. Mercado.

"Well, hindi naman.

Wait!

Parang kilala ko ito.

"The nerve!" Mataas na tonong pagkakasabi ni Danica sabay bagsak ng kubyertos sa mesa.Walang sabi-sabing nag walk-out ito patungo sa kwarto.

"Oh, I guess it's not a good timing."

"Don't mind her Sussy. Talagang brat lang ang anak kong iyon." Maging si Gab ay kunot noo lang na kumakain pero hindi man lang nililingon ang bisita. Halata sa muka niang naaasiwa sia sa bagong bisita.

"Mukang napipe na ang isang anak ko. Let me introduce her girlfriend to you. Alynie, this Sussy Tan. Sussy, this is Alynie Salvacion. One of my best employees in Danica's company. Gab's girlfriend."

Wait.

Sussy Tan? Kundi ako nagkakamali, mother sia ni Clyde!

Oo tama. Mother sia ni Clyde. Madalas ko siang makita noon pag bumibisita kay Clyde sa school noong nag-aaral pa kami ng highschool.

"Oh, ikaw pala si Alynie huh."

At sana, hindi nia rin ako mamukhaan. Minsan na kasi akong naipakilala ni Clyde sa kanya noon. Pero nilait lang ako mula ulo hanggang paa. Hindi raw ako bagay sa kanyang anak.

Matapobre!!!

Anong klaseng tingin ito? Nakikilala ba nia ako?

Bakit ganon? Medyo natakot ako sa mga tingin nia sakin. Maging si Gab ay napansin din ito. Kaya naman, sinilip din nia ang ginang. Wala akong maintindihan.

"Are you done Aly?" Gab asked.

"Ah, yeah. Well, let's go." Tumayo na kaming dalwa.

"Excuse us." Wow, salamat at isinalba ako ni Gab sa nakakatensyong tingin na yon ng nanay ni Clyde.

Bakit sila magkasama ni Mr. Mercado? Don't tell me-

.
.
.
.

___

Runaway (Under Editing)Where stories live. Discover now