Chapter 31: Confession

8 1 0
                                    

Alynie's pov

I baked cake and cookies for breakfast. Marami akong ginawa para mapagsaluhan namin nina Gab.

Remember, Sunday bonding ngaun. Kina Gab ako nagbi-breakfast dahil UTOS nia.

Saka nagbake narin ako para maplease ko rin ang daddy nia. Hehe, naiilang pa ko eh. Kase, halatang masungit. Parang si Danica lang pag may sumpong. Baka dumating din yung girlfriend ni Mr. Mercado. Sana kahit sa baked cake ko, mawala na ung mga masungit niang tingin sakin.

Pagkapatos kong mag-ayos ay tinungo ko na ang bahay nila. Hmh, I'm so excited.

...

"Dan, good morning." Dirediretsyo ako sa loob. Di na naman ako haharangin ng mga guards dahil kilala na ko ng mga ito. Pero pagkakita sakin ni Danica, bigla siang namutla.

"Why, girl? May sakit ka ba?" Tanong ko pa dito matapos kong haplus-haplusin ang noo at leeg nia. Nakatingin lang sia sa akin.

"Ah h-hi, dumating ka na pala." Yan lang ang tanging nasabi nia. Pero mukang di sia ok na makita ako. Inaasahan naman niang darating ako diba? Every Sunday, bumibisita naman talaga ako sa bahay nila. So bakit sia ganto?

"Ah, ano kase-" wala parin siang maipaliwanag.

"Because I'm here." Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likuran. Nilingon ko ito.

"Clyde?" So sia nga. Bakit sia naririto.

"Wala ka pa palang alam? Danica, gusto mo bang ako na ang magsabi?" Itinapon nito ang sigarilyong kanina lang ay hinihithit nito bago tinapakan upang mamatay ang sindi. Hinarap nia kaming nakapamulsa ang dalwang kamay na parang hinihintay na magsalita si Danica. Nilingon ko naman si Dan para hintayin ang sasabihin nito.

Naguguluhan nga ako. Bakit narito si Clyde?

"Aly, I'm sorry for keeping this but, Clyde is our brother."

Huh? Ano daw? Si Clyde, kapatid nila?

"Pano nangyare? Bakit hindi ko alam?"

"I'm really sorry Aly. Kaya ayaw namin ni kuya mapag-usapan ang tungkol sa pamilya namin kase dahil nga dito." Paliwanag naman ni Danica.

So all this time, kilala pala nila ang lalaking matagal kong iniyakan noon? Anong rason nila para itago ito sakin.

"Aly, let's talk." Hinila ni Gab ang kamay ko na sumulpot lang kung saan. Nagpatangay na lang ako.



___

"Tama ang narinig mo. Kapatid namin si Clyde."

Bakit inilihim ito nina Gab? So tama nga yung kutob ko na mother nga ni Clyde yung girlfriend ni Mr. Mercado? Inisip kong kamuka lang. Pero ngaun, sure na na nanay nga talaga yon ni Clyde.

"Dad had an affair with the other woman. Si Sussy Tan. Ipinakilala ni dad samin si Clyde as our brother. Kaso hindi namin tinanggap yon. Kahit kailan, hindi namin sia kinilala bilang kapatid. Kaya naman ng malaman namin ni Danica na ex mo sia, hindi na namin sinabi sayo. Maybe it will complicate your life kung malalaman mo pa." Ikinuwento nito ang buong pangyayare.

"At ngaung alam ko na. Wala namang nagbago diba?" Siguro nga, kailangan ko ring intindihin kung bakit sila naglihim sakin. Kung ako man ang nasa sitwasyon nila, baka hindi ko rin maikwento sa iba na meron akong iba pang kapatid. Kung sa akin talaga nangyare iyon, siguro ok lang. Kase solong anak ako. Gustong gusto ko ng kapatid. Kaya nga blessing ng dumating sina Gab at Danica sa buhay ko eh. Nagkaroon ako bigla ng mga maituturing na kapatid. Pero iba ang sitwasyon nina Gab. May reputasyon silang pinanghahawakan. Longing din sila sa pagkalinga ng magulang. At hindi rin biro na maaga silang nawalan ng nanay tapos may biglang susulpot na ibang babae para magclaim as their new mother. Kaya iintindihin ko na lang.

Runaway (Under Editing)Where stories live. Discover now