Chapter 22: Overprotective

17 0 0
                                    


Alynie's pov

Kagagaling ko lang sa isang photoshoot. Ina-arrange ko kase ang new project na hawak ko ngaun. Sa Baguio pa ako nanggaling at kararating ko lang ngaun.

Una kong naisipang puntahan si Gab. Syempre, kelangan ko nang umakto as a responsible girlfriend dahil official na ang relationship namin. 

I texted him.

Nasa bahay lang daw sia. Kaya naman agad ko na siang pinuntahan. Busy naman si Danica kaya wala ito sa kanilang bahay. Nasa office at binubugbog ang sarili sa trabaho. Kausap ko lang sia kanina sa telepono para ipaalam na nakabalik na ako. Syempre, as my Boss kailangan ko paring magreport tungkol sa trabaho. Pero di ko naman ito makausap ng maayos. Aligaga sia sa mga phone calls at pakikinig sa mga habiling schedules ng secretary nia, naririnig ko habang on going call kami. Kaya naman hindi ko na inistorbo pa.

Pagpasok sa loob, nakita ko si Gab na nanunuod ng football sa may living room.

"Good morning."

Sabi ko pa akmang hahalik sa pisngi nia. Nakatalikod sia. Ngunit, kaunting paglapat ko palang ng nguso ko sa pisngi nia ay napa-igtad na agad ito sabay sabi ng "Ouch!" Medyo nabigla ako. Kaya naman ng makaharap na ito ng maayos sa akin ay nakita ko na ang dahilan.

"Nandyan ka na pala. Dapat nagpasundo ka na sakin eh. Wala ka pa sigurong pahinga ano?" Sia na lang ang humalik sa aking pisngi.

"Anong nangyare dyan?" Tanong ko dito sabay turo sa mga pasa nito sa muka.

Putok ang lower lip nito. May tapal sa noo at may pasa sa pisngi.

"Wala 'to." Iyon lang ang naisagot nito sa akin. Hinila nia ako para yakapin ng mahigpit at nagpatilapon sa sofa.

"Na-miss kita Aly." Hinalikan muli ako ni Gab. But this time ay sa labi na sabay yakap ng mahigpit. May pagkailang pa akong gantihan ang halik nito dahil nga may sugat pa ito sa labi. Baka masaktan ito.

Mula ng maging kami, naging hugging monster na ito. Walang sawa din ito sa paghalik sa akin.

"Ano ba talagang nangyare dyan?" Pag-iiba ko sa timpla ng atmosphere.

"Napaaway lang kahapon."

Huh?

"Sino namang nakaaway mo?" Pero kesa sagutin ako nito ay hinalikan nia ako ng marubdob sa labi.

He's too clingy. Mula nang gabing iyon ay naging over na ito sa pagka sweet.

Flashback

(Gabi ng makaalis si Gab sa bahay ni Alynie matapos ang love confession nito sa kanya.)

11:39pm
From: Gab,
Good night mahal ko, sleep well. I love you.

Kaaalis pa lang ng sasakyan nito sa harap ng bahay ko at kapapasok ko pa lang sa pinto. Ito ang first cheesy text na natanggap ko galing sa kanya.

Runaway (Under Editing)Where stories live. Discover now