Jude's pov
Matapos kong maligo ay agad kong kinuha ang cellphone ko to call Danica. She's good in jewelries. Naalala ko pa noong humingi ako ng pabor sa kanya noon. Sia ang taga-bili ko ng mga regalo para kay Irish. At napakagaling nia sa pagpili ng regalo. Lalo na kung alahas ang pag-uusapan. Dahil lahat ng naibibigay ko noon kay Irish ay talagang nagugustihan nia. Haaay, bakit ba naalala ko pa? Kundi ko lang talaga kailangan ang tulong ni Danica, hindi ko pagtitiisang makasama ang maingay na babaeng iyon. Anong malay ko ba kase sa pagbili ng singsing? Wala pa nga akong nabibigyan non kahit isa sa mga babaeng nagdaan sa palad ko. Itong si Gab talaga, di pa sia ang bumili eh.
"Hoy." Panimula ko. Ano ba 'to? Rude masiado ang introduction ko. Baka di ako tulungan nito eh.
(Anong problema mo? Bored ka at ako ginagambala mo?) Antaray talaga ng babaeng 'to kahit kailan.
"Asan ka?"
(Office. I'm too busy-) pinagpatayan ko ito ng tawag at dali-dali na akong nagbihis para puntahan sia. Sabi ni Gab, tonight nia kailangan yung singsing. Kaya wala na kong dapat aksayahin pang oras. Pambawi narin dahil di ko inuna yung trabaho ko. Anlaki pa naman ng bayad sakin ng gago kaya pumapayag akong paalila. Haybuhay!
.
.___
Danica's pov
Tingnan mo yung isang yon. Ambastos din noh? Pagpatayan ba naman ako ng tawag! Pag gantong aligaga ako sa pagscan ng mga reports ng RPI eh, umiinit ang ulo sa mga ganung klaseng pang-aabala.
Si Daddy kase eh. Gusto agad makita kung may progress na sa paghawak ko nitong Row Publication Inc. Haleeer! Wala pa akong isang buwan dito noh!
.
.___
"Fix yourself. We'll go somewhere."
Kasalukuyan akong pumipirma ng mga kontratang binasa ko lang kanina. Nang may umentradang herodes sa harap ko. Itinuloy ko lang ang pagpirma. It's Jude only. Kahit mahal ko yan, talagang kailangan kong unahin tong kumpanya ko dahil baka biglang bawiin pa ito ni dad.
"Wala akong panahong makipag-date Jude." Sabi ko habang hindi iniaalis ang aking paningin sa ginagawa ko. Wow yung nasabi ko huh. Date talaga. Lakas ko ding mag-assume.
"We need to buy a ring. Ibibigay ng Kuya mo kay Alynie tonight. Magtatapat na sia." Napalingon ako dahil sa sinabi nia. Parang nagningning ang mga mata ko. Really? Totoo na ba ito? Si Kuya, magtatapat na?
Hindi pa ako nakakahuma sa narinig ko ay agad na akong hinila ni Jude palabas ng opisina. Nakita ko agad ang sekretarya ko na pasalubong samin. Pupuntahan ata ako sa office.
"Hey, Anna. Lock my office. Cancel my meetings." Hindi na ito nakapalag sa mga sinabi ko dahil ayaw akong bitawan ni Jude.
By knowing na magtatapat na si Kuya kay Aly, I think this is good to be exciting...
.
.___
"Bakit ba kailangang kasama pa ako?" Tanong ko kay Jude habang tumitingin kami ng mga singsing na naka-display.
Ang gaganda naman. Ako rin, pinapangarap ko ring mabigyan ng singsing. Grabe naman, napakaswerte ni Aly. Maaga siang makakatanggap nito mula sa lalaking nagmamahal sa kanya.
"Because your good when it comes to jewelries. Ano bang alam ko sa mga ganyan? Eh napag-utusan lang ako ng Kuya mo." Tsk, kj naman nitong si Jude. Naglaho tuloy pag-iimagine ko. Bakit ba kase di mapansin ng isang ito ang existence ko? Nandito naman ako ah.
YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Mystery / ThrillerDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"