Jude's pov
"Meet Kulas, Bogart, Makmak, Raki and Lucio." Proud na proud kong pagpapakilala kay Gab sa mga kasama kong lalaki pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ng kanyang mansyon.
Kunot nuong nilingon kami ni Gab habang umiinom sia ng kape. Tila nagtataka kung sino itong mga kasama ko. Nahirapan ako ng sobra para lang mahagilap ang limang ito. May mga tropa akong nagtip sakin para mahire ang mga ito dala ng labis na pangangailangan at dagdag pwersa narin.
"Sino naman yang mga yan?"
"Mga goons mo pare!" Nakaumis ko pang sabi. Di biro ang skills na kaya nilang gawin. Malaki ang maitutulong ng mga kalalakihang ito para mapatuga namin si Lim at di na makawala pa sa susunod. Aba! Dalwang beses na kaming nalulusutan ng gago huh.
"For what?"
"Syempre, para di na tayo matakasan ni Lim next time. Minsan, kailangan din nating lumevel up." Mabilisan nitong nilagok ang kape bago mainit ang ulong hinarap kami ni Gab.
"Kupal ka pala eh. Diba sabi mo walang makakapasok sa lungga mo sa Batangas? Eh anong nangyare?" Nakapamewang nitong sabi. Napakamot na lang ako ng ulo.
"Kaya nga eto na o. Kinuha ko ang mga yan para makatulong satin. Bayaran mo ha! Magaling talaga sila bossing."
"I don't need them." Tinalikuran kami nito at kunwa'y kumuha ng dyaryo at nagbasa habang nakade-kwatro sa sofa.
"Ano ba yan, narinig mo lang ang salitang bayad biglang di na agad kailangan? Ang kuripot mo tol. Kaya tayo natatakasan eh. Kailangan din natin ng mga tao 'pre."
Tumayo muli si Gab at lumapit sa lima na parang kinikilatis ang mga ito.
"Sigurado ka ba na hindi sasabit ang mga ito?"
"Areglado boss. Sure na sure. Bihasa sa baril at bakbakan yang mga yan. Tingnan mo naman ang mga muscles 'tol, wala kang panama."
"Gago."
"I'm telling the truth."
"Make sure na di palpak yang mga kinuha mo, or else ikaw ang babalatan ko ng buhay."
"Tol, wag naman. Kung yung dumukot kay Lim may mga tauhan nga eh. Dapat tayo din. Para patas."
"Fine! Paalisin mo na muna yang mga yan at saka nalang natin tatawagin pag may plano na. Mahirap na, baka makita pa ni Danica."
.
.
Gab's pov
"Sige, tawagan ko na lang kayo pag sasabak na tayo ha." Pagkasabing iyon ni Jude sa limang kalalakihang dinala nia dito na mga goons ko daw, ay kinaltukan ko agad si Jude.
"O, para saan naman yon?"
"Epic fail yung singsing mo!"
"Pangit ba? Ang mahal kaya noon. Saka kapatid mo pumili non. Bayaran mo ko ha."
"Talagang isinama mo pa ang kapatid ko sa pagbili? Pinagtawanan lang ako ni Aly kagabi eh."
"Talaga? Nandyan na sia? Nabigay mo na?" Napangiti ako ng bahagya dahil sa mga alaala kagabi.
Flashback
"I love you Aly. Mula pa ng una kitang makita. Inaasahan kong ganoon karin sa akin. I'm happy each time you're with me. Nababaliw ako pag hindi kita nakikita. Sayo tumatakbo ang mundo ko." Lahat ng lakas ng loob ay hinugot ko na sa kasulok-sulukan ng damdamin ko para lang masabi ang lahat ng ito kay Aly. Ambaduy ata ng nasabi ko. Di ako sanay magconfess sa babae. First time kong magsabi ng nararamdaman, as genuine as I feel this time. Aminado ako na kinakabahan ako ng sobra dahil baka mareject lang ako.
YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Mistério / SuspenseDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"
