Chapter 29: Set up

8 1 0
                                    

Simon Lim's pov

Ilang lingo narin akong nagtatago dito sa Davao. Syempre, utos ni Amelia. Papatayin na dapat ako ni Manuel pero pinatakas nia ako. May mga nalaman sia mula sa akin. At may nalaman din ako mula sa kanya.

Ang alam ko, ako talaga ang pumatay kay Anna Luz. Buo na ang plano noon. Handa na ko. But during that day, nagbago ang isip ko. Pero nagpaputok parin ako ng baril. Nakita ko kung paano sia bumagsak sa sahig pagkatapos umalingawngaw ang putok ng baril. Inisip kong napatay ko sia. But I couldn't kill her because I love her so much but I did. Nalusutan ko ang panloloob sa bahay nila. Malaking bagay din na wala si Manuel noon. Then one day, nalaman kong may isa pang sangkot. Kaya nasiguro kong hindi ako ang nakapatay kay Anna. Ibang bala ang tumama sa ulo nito. Nang mabalitaan kong lumipat na sila ng tirahan, binalikan ko ang kwartong iyon kung saan nangyare ang lahat. May isang butas sa pader na malamang ay dahil sa balang inilabas ng baril ko. Sigurado akong iyon na ang tinamaan ng pagpapaputok ko.

Pero bakit ako? Bakit, ako ang idinidiin nila sa pagkamatay ni Anna? I'm so inlove with her. Alam kong idinaplis ko ang pag-asinta. Pero inakala kong napatay ko sia dahil duguang bumagsak na lang ito sa sahig. Then, Manuel confessed a big secret. Why? For almost 23 years, itinago sa akin ni Anna ang katotohanan.

Sa loob ng mahabang taon, naging tapat ako kay Amelia. Bakit walang nakapagsabi nito sakin? Nararamdaman kong alam din nila ang katotohanan?

At ang baril kong Springfield Armory 1911 na paboritong paborito ko sa lahat na siang nakapatay daw kay Anna, pano ito nakuha ni Gabriel sa bahay ko sa Melbourne? Matagal na itong nawawala bago pa mamatay si Anna Luz. Meron bang nagset up sakin? Pero sino at bakit? Binaril ko si Anna ng malapitan. Sa loob pa mismo ng kwarto nia. Nakita pa ako ng anak niang bunso bago ako nakatakas.

.
.

Flashback (narration)

"William, help me. Ayaw pumayag nina daddy na makasal ako kay Manuel dahil sa gusto ko lang. Ano bang dapat kong gawin?"

Sa simula pa lang ay si William Reyes na ang naging takbuhan ni Anna Luz sa twing nangangailangan ito. Parang kapatid na kung ituring ni William si Anna dahil mula pa pagkabata ay magkasama na sila. Silang tatlo ni Manuel. At utang na loob ng pamilya Reyes kung bakit naisalba ang mga negosyo nila dahil sa daddy ni Anna Luz na si Sen. Samuel Merced. Kaya kahit anong hilinging pabor ni Anna Luz dito ay pinagbibigyan nia.

Simula pa noong una ay alam na ni William ang lihim na pagtingin ni Anna Luz kay Manuel. At unang nagustuhan ni Manuel si Anna Luz. Ngunit nagbago ang lahat mula ng tumungtong sila ng kolehiyo at dumating sa buhay nila sina Amelia del Rio at Sussy Tan. Pilit na inilapit ni Amelia si Manuel kay Sussy. Hanggang sa dumating ang araw na nawala na talaga ng tuluyan sa linya si Anna Luz. Nanahimik lang ito. Tiniis ni Anna na masaktan habang pinapanuod ang pag-iibigan nina Manuel at Sussy. Tanging si William lang ang nakakaalam.

Runaway (Under Editing)Where stories live. Discover now