Danica's pov"Whuuaaaah!"
Isang bangungot!
9 am
Shemaaazzz! Late na ko sa meeting. Grabe ang panaginip na yon. Ilang Lingo na ang nagdaan na akala ko, kung ano na ang nangyare. Hanggang ngaun, hindi na nawala sa isip ko kung paano ba ko napunta don sa bahay ni payat. Lagi na iyon sumasagi sa isip ko. Kahit ba naman sa panaginip may instant reply palagi? Nakita na nia ang lahat at nakita ko din ang- ang- whuuaaah! Ayoko ng isipin. Pero di mawala sa isip ko. Ilang Lingo narin mula ng iwasan ko si Jude. Halos magkulong na ko sa opisina, doon natulog, di tumanggap ng bisita at pili ang mga taong hinaharap ko. Kahit nga makipag-bonding kina kuya at Aly, hindi ko na nagagawa.
Ringing...
"Ay ahas!" Nagulat ako sa biglaang pagtunog ng aking cellphone. Mumukat mukat pa ko. Hindi parin ako bumabangon.
Sa sobrang pagod ko nga sa trabaho kahapon, na-late na ko sa paggising. May meeting pa naman ngaun.
Ringing...
Patuloy parin sa pang-aabala ang ringing ng cellphone.
Pagsilip ko, it's Anna, my secretary. Sia yung tumatawag. Tamad na tamad kong dinampot ang cellphone ko.
"Yes Anna?"
(Ma'am Danica, late na po kayo sa meeting.)
"I know. I-cancel mo na. Reschedule ko na lang."
(Di na po kailangan ma'am. Sabi po ng Daddy nio magpahinga ka muna daw today.)
"Si Dad?"
(Yes ma'am. Sia na po ang nagtuloy ng meeting nio today. Gusto daw niang makita kung ano ang naging pamamalakad mo ng RPI.)
Bakit pa? Wala ba siang tiwala sa pamamalakad ko ng company? Akala ko ba hahayaan nia akong mag-manage ng company mag-isa? Bakit sia nandoon ngaun? Hindi na nia kailangan pang magcheck dahil continues ang report na ibinibigay ko.
Well, bahala sia. Mabuti narin siguro yon kesa nakikita kong magkasama sila ni Sussy Tan. For sure naman na hindi nia dadalhin ung babaeng un sa company ko. Kakapalan na ng muka ng babaeng iyon kapag tumungtong sia sa mismong teretoryo ko.
Sabi ni Dad, magpahinga daw ako. Buti naman at hindi na nia ipinipilit na magbalik ako sa London. Like, hello! Ok na ko dito.
Fine.
Napasilip ako sa closet ko na bahagyang nakaawang.
Hmh, medyo matagal tagal narin ng makapag-shopping ako. Outdated na ang mga damit ko at patapos na din ang summer. Parang trip kong mag-shopping ngaun.
Sige.
Tutal, pinagrerest day ako ni dad ngaun, sulitin ko na. Ilang lingo rin akong naburo sa katatrabaho kaya bibigyan ko muna ng reward ang sarili ko.
I'll date myself.
Yeah, myself.
As in ALONE.
Why? Lovers lang ba ang pwedeng magdate sa ngaun? Tsk!!!
Bumaba ako sa kusina for breakfast matapos maghilamos. As usual, wala na din si kuya. Busy un sa pagmamanage ng airline at sa pagiging dakilang boyfriend ni Aly. So kahit si Aly, malabo ko ring mahahagilap. Di ko sia pwede iinvite para samahan akong magshopping.
Haist, may kanya kanya na talaga kaming pinagkakaabalahan. Maging si Aly ay busy na rin kase sunod sunod na projects ang tinanggap nia. Pero angat parin sila sakin kahit busy sila kase, may lovelife na sila.

YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Mystery / ThrillerDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"