Alynie's pov
Napakakulit ng bwisita ko! Punyemas.
"Alynie, tikman mo muna ito oh."
Ang aga aga, binubwisit ako.
"Maaga talaga akong gumising para makapamalengke. Niluto ko ito para sa almusal mo."
Hindi ko sia pinansin at itinuloy ko ang pagpatype habang nakatutok sa monitor. Iniedit ko na yung nagawa kong interview kay Michael Lopez na isang sikat na vlogger, model at t.v. host.
"Muntik pa kong maligaw. Malay ko ba kung saan ang palengke dito sa Tagaytay." sabi pa ng bwisita ko na as if namang may pakialam ako sa mga kinukwento nia.
Kita ko sa peripheral vision ko na naghihimay sia ng HIPON! Grabe, natatakam na tuloy ako. Favorite ko pa naman ito lalo na kung -ehem- luto ni Clyde. Nung highschool kase kami, lagi siang may baong pagkain tapos lagi ding meron akong parte. At sa mga lutong dala nia. Lutong hipon ang pinakanagustuhan ko. Na sabi nia ay sia daw talaga ang nagluluto. Naturuan daw sia ng mommy nia.
"Alam kong favorite mo ito."
Kainis naman, bakit mo ko ginaganito? Nakita kong inihain na nia sa harap ko ang specialty niang egg salted shrimp na paburito kong iniluluto nia para sa akin noong highschool kami.
Isa pang bwisit itong ilong at tiyan ko. Nang masinghot ko lalo ang hipon ay parang kumalam bigla ang tiyan ko. Itinigil ko ang pagtatype at tiningnan si Clyde ng masama bago dumampot ng isang pirasong hipon. Shaykz, nakakahiya. PG ka Aly. Bumigay ka agad sa hipon!!!"Pano ka ba nakapasok dito?" Tanong ko pa habang ngumunguya ng panibagong dampot na hipon.
"Bukas yung pinto oh." Turo pa nia sa nakabukas ngang pinto. Hindi ko ba iyon nasarhan kanina nung lumabas ako para magkape?
"Bakit ito lang? Dapat meron ding kanin." Kainis naman itong nasabi ko. Natawa sia dahil doon.
.
.
.___
Earlier
Katatapos ko lang maligo ng sa paglabas ko ng banyo ay may naamoy akong nakakatakam na pagkain. Siguro pagkain sa kabilang room. Antapang naman ng amoy. Abot talaga dito sa unit ko. Kumuha ako ng simpleng damit at nagsuklay lang ako ng buhok. Pagtingin ko sa orasan, 11:30 am na. Napahaba ata yung idlip ko. Medyo nagugutom na ko. Plano kong lumabas para kumain na lang sa makikita kong fastfood restaurant. Siguro naman wala na si Clyde sa labas. Lahat ng pamimilit, ginawa ko para umalis na sia ng unit ko kanina.
Isinuot ko ang salamin ko instead of my contact lens. Nagutom nga ako kaya nagmamadali akong makalabas. Dala ang wallet at susi ng kotse ko, lumabas ako ng kwarto.
Nang sa paglabas ko ay mas lalong humalimuyak ang bango ng pagkain na mas lalong nakapagpagutom sakin. At ng mapadaan ako sa kusina para sana uminom ng tubig-
"Lunch is ready!" -nakita ko na naman si Clyde. At ang amoy na naaamoy ko kanina pa ay sa unit ko lang pala nanggagaling. Na mukang niluto nitong si Clyde. Akala ko ba ay napalayas ko na ito? Paanong nakapasok na naman ito dito sa loob? Ang pagkakaalala ko ay inilock ko naman ang pinto.
.
.
.___
Clyde's pov
Matapos akong ipagtabuyan ni Alynie kaninang umaga ay naisipan kong maggrocery agad para maipagluto naman sia ng lunch.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang nagluluto kanina ng pagkain para sa kanya. Kahit nakakatanggap ako ng mga pagtataray ni Alynie, heto sia, nararamdaman ko parin na may care pa sia para sakin. Di pa naman sia nagtatangkang patayin ako.
YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Misteri / ThrillerDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"