Chapter 6: Thoughts

24 1 0
                                    

a.n_

Salamat sa matyagang paghihintay.

enjoy 👑

Featured photo; Tricia del Rio

.
.
.

Aly's pov

Naloka ako dun sa Tricia na yon. So sia pala ang girlfriend ni Clyde ngaun. Di hamak namang mas maganda at sexy ako don noh!. Ano ba 'to, humahangin na rin ako. Natututo na kong magbuhat ng sarili kong upuan. Si Dan kase eh. Masiadong gandang ganda sa sarili kaya nahahawa na ko sa mga lines nia. Pero totoo naman nga na maganda talaga si Dan, at ako narin syempre. Pero mas maganda si Dan. Nakkz pa-humble hehe...

Yung Tricia na yon, kung makakapit kay Clyde kala mo tuko!!! Shemasss!!! Makaeksena naman sia sa shooting na ginagawa ko for Clyde, wagas. Kung gusto niang pakuha ng photos, pwede namang magsabi. Hindi yung ganon na basta basta sia umientrada. Kabwisit! (ano, maldita na ba ko nian?) tsk.

...

Naglalakad ako papunta sa hotel na tinutuluyan namin ni Gab. Mukang nagugutom na ako ah. (himas sa tiyan) Pagtingin ko sa relo, 12:30 pm na. Tsk. Kaya pala.

Tiningnan ko yong kuha ko kay Clyde, at naiinis ako sa sarili ko ngaun dahil bakit ganto, attracted parin ako sa jerk na yon.

No! No! No! (putok bula na nabubuo in mind) No way! Hindi dapat! Humanda ka sakin jerk. Ginugulo mo na naman ang sistema ko. Didikdikin talaga kita Clyde!!! (OA ba?)

Sa pagclick ko pa, heto, may nahagip pa kong part ng paglalaplapan nila nung haliparot na babaeng higad sa harap ko kanina nung kinuhuhanan ko si Clyde ng pictures.. I-blade ko kaya ang nguso ng malanding yon? Oh no! Why do I act like a jealous girlfriend? As if I am? Hindi tama ito. Erase erase!

Nawawala ako sa sarili ng mapagtanto kong nasa harap na pala ako ng pinto.

Pagpasok ko, wagas ang scene na nakita ko. Si Dan at yung kaibigan ni Gab na si Jude. Magkapatong sa sahig.

"Dan? anong eksena yan?" Parang nagulat sila sa pagsulpot ko.

"Wag mo sila pansinin. Halika dito. Kumain ka na." Gab said. Asa kitchen, kumukutingting ng pagkain.

Iyang si Jude kaibigan rin yan ni Gab na madalas umagaw ng bonding moments namin. Ano na naman kayang pakay nito.

"Aly?" she's surprised ng makita ako at excited na patiling lumapit sakin.

"I miss you girl." *beso beso*

"Napasugod ka dito Dan." Bahagya nia akong inilayo para makabulong "sshhss, gets mo na yon kung bakit. No need to ask."

Sumulyap ito kay Jude na mukang naghahanap ng damit sa bag. Ano ba tong lalaking toh, trip ba talagang ilantad yung katawan dito. Di ba nia nakikitang may mga babae siang kaharap? Ito namang si Dan mukang enjoy na enjoy. Nakahubad kase ang mokong.

"Alynie, gumaganda ka ata ngaun ah." malanding sabi sakin ni Jude. Nakapagbihis na ito.

"Keep your mouth shut Jude. Baka gusto mong masapak ni Kuya"

"Chillax Danica, nireregla ka ba ngaun? Sobrang init ng dugo mo sakin ah."

Kinuha ni Dan ang kutsara sa table malapit kay Gab at ibinato kay Jude. Buti nakailag ito.

Runaway (Under Editing)Where stories live. Discover now