(a.n) pasensya sa magugulong povs. excited ako para dito. enjoy :) ajaaaaa!!! party na!!!
p.s. pipilitin ko pong wag maging spg toh dahil for sure may mga teens na matetempt na magbasa nito. pero pag di ko naiwasan, lalagyan ko na lang ng warning :) i love you guys...
.
.
.
.
.Alynie's pov
Iginawa ko ng soup si Gab. Kawawa naman ito. Mukang problemado sa pag-big. Ayaw namang magkwento. Ayaw ring sabihin sakin kung sino si lucky girl.
Hay ewan!!!
"Gab, eto na soup mo. Ubusin mo yan ha. Bihis lang ako."
Di naman ako pinansin ni Gab. Busy sa pagtetext. Sino kayang katext nia? Siguro si pag ibig :)
Natatawa lang ako sa idea. Kase sa wakas, pumapag-ibig na si Gab. Pero syempre, di ko parin maiiwasang malungkot. Kase pag nagkagirlfriend na yan, pano na ko? For sure, mawawalan na ng time si Gab para sakin. Wala na kong kukulitin, wala na kong tatawagin pag may problema ako at wala ng magliligtas sakin pag napapahamak ako.
So sad naman.
Di bale na nga, may mas dapat akong pagtuunan ng pansin ngaun. Naalala ko ung sinabi sakin ni Gab kagabi.
"Make him fall inlove with you. Make sure he will fall. Pero wag kang maiinlove ulit. Doon mo sia mapapabagsak. Doon mo sia masisira. Madidistract sia at lahat ng meron sia ngaun masisira."
Tama sia. Kailangan ko siang pabagsakin. Ang tanong nga lang jan ay "paano?"
Tama talaga. Dapat kong wasakin si Clyde. Kinakailangan kong mag-focus. Hindi ko makakalimutan ang ginawa nia sakin.
Ah basta, kaya ko 'to.
Muli, humarap ako sa salamin. Inilabas ko ang swimwear na nabili ko bago kami magpunta dito. Kulay brown sia. TRIVIA: favorite ko nga pala ang brown FYI.
Wala lang, mema lang. Hehe. Isinuot ko na sia matapos kong maglinis ng katawan. Huhu, kailangan kong maging fresh eh kahit sayang dahil bakas pa sakin ang amoy ni Gab. Sayang talaga, nabura na tuloy. Kaw ba namang magdamag yakapin eh ewan ko lang naman kung di pa kumapit sayo ang amoy ng nangyakap. Dah???Wait!
Nagpasalon nga pala ako. Oh gosh, mainit sa labas baka masira tong buhok ko sa sobrang tindi ng sikat ng araw. Buti na lang, nakapagdala ako ng hat. Color gray :) Bagay sia sa gray ko ring tsinelas.
Oh!!! Viola! Ang ganda, pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Ibang iba na talaga ako ngaun. Iyong dating bubot kong katawan na mukang kawayang pwede ng pambato ng mangga just in case na walang pangsungkit, heto, tinubuan na ng boobs.
Hindi naman kalakihan. Pero attractive parin o, diba? Favorite spot nga toh ng lokong si Gab eh. Madalas nia itong mapuna. Manyak talaga. And wait, there's more. Look at my butt, shemass lang. Shungang bakla lang di makapansin dito. Dagdag pa ang flat at perfect curve ng likod ko. Medyo may abs din ako dahil pwinersa ako ni Dan na mag gym noon. Una, sumuko ako dahil sa unang isang linggo, di ko maipaliwanag ung matinding pananakit ng katawan ko dulot ng paggigym. Pero ng nakikita ko na ang resulta, ako na mismo ang naaddict sa paggigym at ngaun, heto na ang bunga. Hinding hindi ako magsasawang lingunin ang sarili ko sa salamin. Dahil kahit ako, natotomboy narin sa sarili ko. Thanks to Danica. Sia ung nag transform sakin from being an ugly duckling into a very lovely swan. And speaking of Danica, miss ko na ang bruha.
YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Misterio / SuspensoDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"