A.n: Malungkot si author ngaun, kaya damay damay na 'to. Palulungkutin ko ang chapter na ito. Try ko nga kung maiiyak kayo?.
.
.
.
.Clyde's pov
Matapos ng ilang araw na pagmumukmok at panindigan ang pagiging talunan, palagay ko it was the right time to fight.
Hindi pala ako dapat magmukmok at tumanggap ng pagkatalo. It's not too late. May magagawa pa ko. At lahat gagawin ko para mabawi si Alynie. Bakit ako susuko?
Una siang naging akin. At nararamdaman kong meron pa; meron pa siang pagmamahal. Nakikita ko sa kislap ng kanyang mga mata. Sa mga tingin niang kabaliktaran ng ibinubuka ng bibig nia. Nararamdaman kong ako parin.
I was too desperate for her presence. I need her.
.
.
.8:35 am
Alam kong 8 am ang oras ng duty nia. 8:35 am na, late kaya sia? Wala pa kase ito. Hindi naman ako hinarang ng securities kahit nang dumating si Danica; pinaalis ako at pinigilang huwag maglalapit kay Alynie, hindi parin ako nagpatinag.
Mukang nagpapakabusy si Danica kuno, (pero way nia lang talaga iyon para magmove on) nilampasan lang ako nito.
Habang sa paghihintay ko, tila may isang babaeng distractive na lumalakad palapit sa akin na OA kung makagewang sa paglakad.
Nang makalapit na ito, nasiguro ko na sa akin nga ito papunta. Palagay ko, isang empleyado ito dito at inabutan ako ng kape. Nang magpakilala ito ay sekretarya daw sia ni Danica at napag-utusan siang timplahan nga ako ng kape. May puso rin pala ang kapatid ko kahit papaano. Naisipan parin akong padalhan ng kape.
"Enjoy your coffee Sir." Sabi pa nito sabay kindat bago umalis.
Ilang saglit pa, sa wakas ay dumating narin ang hinihintay ko. Nang medyo makalapit ito sakin, halatang takang taka ito kung bakit ako naroroon.
She's really beautiful. And unique in her own way. Parang slow motion sa paningin ko habang lumalapit sakin. I love this girl. Gago lang talaga ako kaya nasaktan ko ito noon.
Wala akong paninindigan.
"Alynie, I'm here to see you." Di pa man ito nagtatanong ay sinagot ko na ang sa palagay kong gusto nia sanang itanong.
"Clyde, please stop this." Tila irita ito ng nagkalapit na kami.
"Let's just talk." She paused.
"I'm sorry. I'm busy." Akmang lalampasan na ko nito ng mapigilan ko sia hawak ang kanyang braso.
"Please Alynie. Give me a chance."
"I'm sorry Clyde. I have someone else." Pero ang iritableng mga tingin nito ay napaltan ng lungkot.
Yeah I know. That night, kitang kita ko. Rinig na rinig ko kung paano nia sinabing may mahal siang iba. Nandoon ako. Wasak na wasak. Gustuhin ko mang sumuko pero itong puso ko, ayaw pang bumitiw.
Something's wrong with her eyes.
She-
She isn't happy. But why.
"Alynie please." Parang maluluha ako. Nakakabakla. Pero pinigil ko. Saglit pa ng matagal na magtama ang aming mga mata. Na akala mo'y may mga nais sabihin pero wala ni isa sa aming nagsasalita.
YOU ARE READING
Runaway (Under Editing)
Misteri / ThrillerDarating sayong buhay na tatanungin mo ang sarili mo kung, "Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?"