Chapter 27(Pakiusap)
Zhu’s POV
Magsisimula na ang first semester exam kaya todo aral naman ako at kailangan kung mag study para narin wala akong bagsak pagkatapos nito ay uuwi na muna akong Davao dahil yun ang sabi ni Dad.
“Sir Heather uuwi na muna po ako sa amin pagkatapos ng exam” paalam ko sa kanya habang siya ay nagkakape sa veranda.
“Mga anong oras” sabay tingin niya sakin.
“Pagkatapos nalang ng exam siguro mga 1pm I guess”
“Okay basta balik ka dito after 3 days” he said.
Tumango na lamang ako at umakyat sa taas saka naligo at nagbihis at dumeretso na sa school para mag study pumunta na muna akong library para doon mag aral kahit ganito naman ako ay marunong naman akong mag sunog ng kilay noh.
Dumating naman si Zaemon at agad siyang tumabi sakin.
“Abah study hard huh?” sabi niya.
“Yeah” sabay smirk ko.
“Hindi kaba uuwi sa Davao pagkatapos nito” sabi ko.
“Hmmn hindi na muna may gagawin pa ako dito eh”
“Okay” saka tumahimik na ako.
“Ikaw uuwi kaba”
“Oo pinapauwi ako ni Dad”
“Sshhh! Ano ba kayo nasa library ba kayo o sa classroom niyo? Ang iingay.” sita sa amin ng librarian. Ngumisi nalang si Zaemon saka tumango.
“Sorry po madam” paumanhin ni Zaemon.
Naging tahimik na kami dahil nsg fufucos nadin pala ang loko sa pag aaral sa libro minsan kumukunot yung noo niya. Tsk. Tsk. Kinuha ko muna yung dalang notebook ko para sa english at doon nanaman nag basa. Hanggang sa nag bell na at sabay kaming lumabas ni Zae saka kumain sa Cafeteria.
The Next Day Exam na! Kaya nagmamadali akong lumabas ng bahay pero naabutan ko si Heather na may katawag siya wala naman akong pakialam at nagpaalam na sa kanya na mauuna na akong pumunta sa school.
Pagkatapos ng pagkatapos ng exam ay dumeretso na ako ng uwi at nagdala ng mga kunting damit dahil tatlong araw lang naman ako doon dinadala ko parin yung mga weapons ko in case of emergency. Lakad takbo na akong umalis ng bahay at nag hintay ng motor cab para makapunta na sa Airport.
“Young Lady” sabi nung body guard mga apat ata sila.
“Pinadala po kami ng daddy niyo para sumakay na kayo sa Private Plane Flores” sabi nung leader ata nila.
Tumango nalang ako at itinuro sa akin kung saan ang private plane flores naka sunod naman yung apat sa akin hanggang sa sumakay ako doon.
“Bret!” tawag ko pag dating ko sa bahay.
“Oh-oh! Hi?!” bati niya sakin.
“Timpla mo naman ako ng Juice” sabi ko.
“Ako ba yaya mo”
“Bret!” sabi ko ng may baritunong boses.
“Ate naman ehh! Kakadating mo lang tas ako yung pinapagawa mo ng juice? Wala bang pasalubong diyan” sabi niya ng nakanguso.
“Ito ohh pasalubong ko” sabay taas ng kamao ko sa kanya.
“Ang sungit naman. Favorite mo talaga ang juice ko noh. Mabuti naman!”
BINABASA MO ANG
My Fake Girlfriend Is A Secret Gangster (COMPLETED)
Mystery / ThrillerShe's a secret Gangster. Pumapatay kung kinakailangan she knows that killing is a sin pero para sa kanya dapat lang sa taong may atraso. Because of her mission she need to act like innocent and kind. The hell pero wala siyang choice dahil yun ang sa...