Chapter 25: Ako ba tatay niya?

2.4K 66 0
                                    


Chapter 25

Ako ba tatay niya?

JK’s POV

Pagkatapos ng klase ay dumaan na muna kami sa mall kasama si JP napaka torpe talaga ng lalaking ito Tss. Sabay iling ko alam ko namang may gusto siya kay Zhu ehh! Naalala ko tuloy nung una niya daw nakita si Zhu sa akin lang naman nag she-share ang torpe kong kaibigan habang nasa isang malaking puno kami at tumatambay.

“Kaple” sabi niya sa akin.

“Ano?” tanong ko naman.

“Naaalala mo kanina may transfery tayo” -JP

“Oo bakit?” tanong ko parin habang nag lalaro ng COC sa phone ko.

“Kumanta siya. Ang ganda ng boses niya noh. Maganda din siya at simple”

“Ohh tapos Crush mo noh?”

Aba’t nag blush ang loko! Napahalakhak nalang ako dahil sa reaksiyon niya.

“Hey! Why are you laughing like that huh?”

“Ehh kasi yung tenga mo namumula. You’re blushing huh?” sabi ko at agad naman siyang napahawak sa dalawang tenga niya tumawa ulit ako because of his reaction.

“Ano type mo noh? Eyy amenin?” tukso ko sa kanya.

“Alam mo namang ngayon lang ulit ako nagka crush at nagka gusto sa isang babae diba?” sabi niya. Oo nga naman simula kasing nag hiwalay sila ng girlfriend niya ay hindi na ulit siya nagkaka gusto sa ibang babae mga 3 years narin ang dumaan.

Hindi ko nga alam sa lalaking ito kung bakit sa tagal ng panahon ngayon pa. Ang daming mga babae sa mundo at mga magaganda at sexy Tsss! Sabagay maganda naman talaga si Zhu naalala niyo yung una ko siyang nakita I feel like Whoah, XD

My Fake Girlfriend Is A Secret Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon