Chapter 31Laser Ring
Pag putok ng araw sa umaga ay maaga kaming umalis sa resort ng pinsan namin kasama sila Bret si Dad kagabi pa wala pumunta munang surigao city importante daw.
Nakarating na kami sa bahay saka nag pahinga muna at natulog mga 1pm pa naman ang flight ko papuntang Manila. Naka idlip na sana ako pero agad tumunog yung phone ko ang ingay ! Sh-t lang!
Sinagot ko ito ng hindi tinitingnan kung sino ang caller at nakapikit parin ang dalawang mga mata ko.
“Hello?!” pagalit kung bati.
[“Ngayon ka uuwi?”]
Tiningnan ko muna ang phone ko kung sino ang caller. It's JK.
“Mamaya pa! Nakatulog na sana ako ehh!”
[“Inutusan kasi ako ni Toh”]
“Tsss! Ohh siya matutulog na muna ako bye!” sabay baba ko ng phone ko at sinilent. Kaya nakatulog ako ng mahimbing. 11pm na akong nagising dahil sa puyat ko.
Agad naman akong naligo at nag bihis na muna ng pambahay. Pinunasan ko muna yung basang buhok ko gamit ang tuwalya at bumaba ng hagdanan.
Nakita ko naman yung katulong namin na nag hahanda na ng pagkain sa hapag asan ang mga tao dito.
“Yaya where’s Dad?” tanung ko habang umiinum ng juice sa lamesa.
“Andun sa office niya Ma'am” sabi niya at tumango na lamang ako.
“Ehh si Jelluah asan?”
“Umalis po ng bahay kanina pang mga 9am Ma'am hindi pa po nakauwi” saka nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa.
“Okay.” Kumuha na muna ako ng Orange sa ref at binalatan ito sabay open ng Tv. Nanuod na muna ako ng blockbuster at saka ipanatung ko yung paa ko sa harapan ng mesa habang sinusubo yung orange.
Tumunog naman yung gate at napalingon ako sa labas saka pumasok yung kotse ni Bret.
“Ate ! May pabaon ako sayo” sabi niya ng nakangiti.
“What’s that” tanung ko. Agad naman niyang nilabas ito at nakabalot pa sabay abot niya sakin.
“Smile before you open sis”
“Tss” agad ko namang inopen ito at nakit ko ang isang singsing?!
“Singsing?!” sabi ko.
“Oyy hindi lang yan basta singsing. Ang tawag diyan ay Laser Ring. Alam mukong bakit?” sabi niya saka sinuot niya yung singsing sa middle finger ko at parang may ipinindut siya doon sa maliit na bilog ng ring agad naman itong umilaw para siyang laser.
“Ano ba ang silbi niyan?”
“Tingnan mo ito ohh. Sa pamamgitan ng pula na mataas na parang ilaw na iyan ay kaya nitong pumutol ng bakal o ano mang mga lubid. Ano hanep ba?” sabi ni Bret ng nakangisi at sabay taas baba ng kanyang kilay.
“Talaga? Oyy salamat Tol! Saan mo ito nabili?”
“Doon sa pagawaan ko ng dagger si Polyphemus siya ang nag bigay sakin niyan”
“Magkano ? Parang ang mahal nito ahh!”
“Mahal talaga iyan! Buti nalang at naibenta niya sakin ng 200 thousand”
“200 thousand?! Ang mahal nito saan ka kumuha ng pera Jelluah?”
“Simple lang nag iinvest na ako ate at nag babangko na ako. Madami na akong pera kaya ko na ngang buhayin si Yureka ehh!” Halakhak ni Bret.

BINABASA MO ANG
My Fake Girlfriend Is A Secret Gangster (COMPLETED)
Mystère / ThrillerShe's a secret Gangster. Pumapatay kung kinakailangan she knows that killing is a sin pero para sa kanya dapat lang sa taong may atraso. Because of her mission she need to act like innocent and kind. The hell pero wala siyang choice dahil yun ang sa...