Chapter 2 - Stolen Gem
Kumulimlim ang kalangitan sa kabuoan ng Magic World.
Dumagundong ang kulog at iba't - ibang linya at liwanag ng kidlat sa itaas.
,Lumakas ang hangin at nayanig panandalian ang lupa.
,
Nagsara din ang portal sa bayan ng Zhel, na naghihiwalay sa Magic World at sa Normal World.
,
Biglang tumawag ang Head Mistress ng Xylem sa mga Headmasters ng apat pang bayan at sa Magic Council.
"Nawawala ang Ancient Gem ng Magic World."
=====
"Headmaster Nathaniel, ano't nagkulang kayo sa pagkakataong ito!" madiin ngunit kalmadong sabi ng isa sa mga mataas ang posisyon sa Magic Council.
"Sire Levi, hi -hindi ko po alam na ganun na kalakas ang pwersa nila. Si -sinikap po naming mabawi ang Gem ngunit..ta -talagang malakas ang taglay nilang mahika. Ilan din sa mga naninirahan sa aming bayan ang nasawi." nanginginig na paliwanag nito.
"Kung gayon, dapat na natin silang muling balikan at pabagsakin! Hindi sila nararapat na naririto sa ating mundo!!" gigil na sabi ng Headmaster ng Gredd.
"Pero isa na sila sa mga may kakayahan kagaya natin kaya sila tinanggap noon di ba? Kahit hindi ito ang mundong kanilang kinalakhan, kaya natin sila tinanggap." kalmadong sagot ng Headmistress ng Fuston.
"Alam naman natin na ang nangunguna lang sa kanila ang hindi talaga taga rito ngunit ang mga kasama naman niya ay dit- ...." naputol ang kaniyang pagsasalita nang may tumayo sa mga nasa Magic Council.
"Bantayan ang inyong kaniya-kaniyang bayan. Gagawin din namin ang aming trabaho at sisikaping maging balanse ang ating Mundo...pansamantala.....habang hindi pa natin nakukuha sa mga kaaway ang Gem. Habang ginagawa natin ang lahat ng iyan, isang indibidwal bawat bayan ang dalhin sa bulwagang ito sa susunod na linggo at sila ang maghahanap ng Gem.
Hindi kikilos kaagad ang mga kaaway ng masama o kahit sirain ang Gem ay di nila magagawa dahil andirito pa rin sila sa ating Mundo at di makakalabas dahil nag sarado rin ang portal sa bayan ng Zhel.
Pag aaralan pa namin ang sitwasyong ito sa mabilis na panahon at sigyuradong paraan. Tapos na ang pagpupulong." yumuko na ito at lumabas sa bulwagan.Lumabas na rin ang iba pang mga nasa Magic Council kasunod ang mga Headmasters at Head Mistresses ng bawat bayan at bumalik na sa kanila.
YOU ARE READING
The Successors (Magic World's Next Hope)
Fantasy"Five Cities, Five Successors, One Mission, One World." Payapa ang buong Magic World hanggang sa nakuha ng isang makapangyarihang nilalang ang "Ancient Gem" kung saan ito ang nagbabalanse ng kabuoan ng Magic World. Dahil dito, nag decide ang Magic C...