Chapter 15

7 1 0
                                    

Chapter 15 - For the Clueless

°SETH's POV°



Lahat kami ay hindi na napigilang magtanong kay Senior Selena pagkatapos namin malaman na plain golden necklace ang iniregalo ni Supremo Bridwood sa pinakabata niyang stepbrother sa normal world para makabisita ito sa mundong nag exist dahil sa kuya kuyahan niyang si Gredd.



"Ano po ang katangian ng gold necklace?"tanong ni Claudia.



"Nagkaroon po ba ng kapangyarihan yung stepbrother na iyon ni Supremo Bridwood nung suotin niya na ang necklace?"tanong ni Klint.




"Is there any chance na nakapunta na dito sa mundo natin yung stepbrother ni Supremo Bridwood gamit ang necklace na iyon?"tanong ni Brent.



"Bakit po papahintulutan ni Supremo Bridwood na makapasok ang isang tao sa mundo natin kahit na stepbrother niya pa ito sa  normal na mundo?"tanong ni Iza.



Halos sunod sunod ang tanong.
Hindi na rin makapagsalita ng tuloy tuloy si Senior Selena.
Naging bapor na ang holographic image ng Ancient Gem sa harapan namin.
Bakit pakiramdam ko talagang may alam na si Senior Selena?



"May tinatago ka po ba tungkol sa misyon namin?"seryosong tanong ko.



"Kayo nga ang mga tagapagmana. The rightful  heirs."tugon ni Senior Selena habang nakangiti at nakayuko.




"Means you already know what we're trying to say,right Senior Selena?"tanong pa ni Brent.





"Nang mag ulat sa akin ang isa sa mga tagapagsilbi na nagkraoon ng telepathic vision si Iza kahapon nang tingnan niya ang portrait ni Supremo Rawson, alam ko nang darating tayo sa sitwasyong ito. Oo, nakapunta na ang stepbrother ni Supremo Bridwood dito sa ating mundo. Hindi lang basta naging susi sa lagusan ang gold necklace nito kundi naging susi din ito para makapasok siya dito sa Magic Council building. Kakaupo palang noon ni Supremo Rawson bilang pangatlong Supremo dito sa  Magic World at tulad ng bilin ni Supremo Bridwood sa naging successor niya, kapag dumating ang lalaking may suot na gold necklace na may taglay na maharlitasyon, ay tanggapin sa gusaling ito at hayaang magtagal hanggang sa naisin na niyang bumalik sa normal world."mahabang pahayag ni Senior Selena.



"Po? Ano naman po ang kaugnayan ni Supremo Rawson kay Supremo Bridwood at doon sa stepbrother nito?"tanong ni Klint.




"Apo ni Supremo Bridwood si Supremo Rawson. Ang anak na babae nito ang naging successor niya at siyang ina ng Supremo natin ngayon. Namatay sa malubhang karamdaman ang nag iisang anak ni Supremo Rawson, na siyang kahawig na kahawig ng stepbrother ni Supremo Bridwood. Sa sobrang pangungulila sa namayapang anak, kinupkop ni Supremo Rawson ang stepbrother ni Supremo Bridwood at pinangalan dito ang ikalimang bayan dito sa Magic World, ang Xylem."dagdag pa ni Senior Selena.




"But it does'nt make sense! Normal lamang yung Xylem na yun, paano siya nagkaroon ng...."



"Alam niyo na din pala."pagputol ni Senior Selena sa sasabihin ko.



"Ang sumugod dito kagabi, ang nagnakaw ng Gem at ang stepbrother ni Supremo Bridwood na si Xylem, ay iisa."mahinang banggit ni Senior Selena.





"Pero.....pero kagabi, nagtatanong kayo kay Sire Levi hindi po ba? Ibig sabihin po ba nun...."




"Oo, nagpanggap akong walang alam. Sinubukan nilang tanggalin lahat ng nalalaman ko pansamantala habang naririto pa kayo at hindi pa pinaglalakbay dahil ayaw ipa-alam ni Supremo Rawson ang kaniyang nagawa. Pero naramdaman ko kaagad ang mahika at blinock ito, kaya hindi umepekto sa akin."




"Sa pagkakaalam ko, nasa ating Supremo Rawson ngayon ang Transposing Ability, na kayang ilipat sa'yo ang kakayahan ng iba at kayang patayin ng tuluyan ang kabuoang mahika na mayroon ka. Ibig sabihin, kaya nagkaroon ng kapangyarihan yung Xylem na yun (peste naman oh, sa kaniya pa nagmula ang  pangalan ng bayan ko) , ay dahil kay Supremo Rawson."pangahas ko nang pahayag.



"At hindi ito nakuntento sa ibingay sa kaniya, kaya gumamit pa siya ng iba pang mahika para magkaroon pa ng ibang kakayahan."aniya ni Iza.




"Kaya siguro ito itinago sa atin dahil umaasa pa rin si Supremo Rawson na magbabago ang Xylem na yun na kinilala niyang anak at hindi humantong sa madugong labanan ang ginawa niya."aniya ni Claudia.





"Isa rin sa mga dahilan kung bakit kinailangan pa maghanap ng Magic Council  ng mga indibidwal na magri-retrieve sa Gem bukod sa fact na hindi nila dapat itigil ang mahikang ginagawa nila ngayon para mabalanse pansamantala ang ating mundo."aniya ni Brent.





"Kaya hindi lang ang Gem ang kailangang kasama nating maibalik dito, kundi pati na rin ang Xylem na yun para matanggal na ni Supremo Rawson ang mahikang kaloob niya rito."aniya ni Klint.










Parang isang puzzle ang sabay sabay naming nabuo.
Pero, hindi ba dapat mas loyal si Senior Selena sa Magic Council?



"Bakit mo po sinabi sa amin ang lahat ng iyan? Hindi ba dapat mas tapat ka sa Magic Council?"tanong ko.



"What's the use of hiding it Seth? Alam kong malalaman at malalaman niyo din ito. Tapat ako sa Magic Council, but I am not a blind follower Seth. Para rin sa ikabubuti ng konsilyo at ni Supremo Rawson, kaya ko ito nasabi sa inyo ngayon."aniya ni Senior Selena.






"Now we all knew it, nabawasan kahit papaano ang komplikado nating misyon."aniya ni Brent.





"Our discussions for today is adjourned. See you all tomorrow for your training, it will be versus fights. Get ready."aniya ni Senior Selena saka siya lumabas ng library.






Kailan ba kami mag uumpisa?
Kabanas naman oh!
Seems like we already knew every infos that we needed.




Nanatiling iyon ang topic namin hanggang sa makarating na kami sa guest rooms' hallway kung nasaan ang portrait ni Supremo Rawson.




"Subukan niyong wag isipin masyado na may koneksyon si Supremo Rawson sa misyon natin."halos pabulong na sabi ni Iza.



"Bakit naman?"tanong ni Klint.



"Because we are in the Magic Council's Lair. Madaling masesense ng Seers at Telepaths nila ang bawat kilos natin at pag iisip."sagot ni Brent.



"Exactly."aniya ni Iza.



"Okay then."pag sang ayon ni Klint.



"Aist!! Bakit di pa kasi natin umpisahan itong misyon na'to!?"galaiti kong tanong.



"Malapit na."aniya ni Iza.



"Ha?"sabi ni Claudia.



"See you guys sa versus fights bukas!"biglang ngiti na pahayag ni Iza.



Pumasok na kami sa aming mga kwarto at nag umpisa nang magpahinga.



Tulad ng sinabi ni Iza, iniwasan kong idawit sa isip ko si Supremo Rawson sa lalakinh nakamaskara na kumuha ng Gem.
Hindi madali.
Buti pa sila Iza at Brent kayang mag block na telepathy.




Kapag wangis diamante na si Brent, nabablock niya na ang mga may Telepath abilities. Si Iza naman, isang telepathy user na nasa mataas nang level.




Sabi ni Iza malapit na namin hanapin ang Gem. Tapos bigla siyang ngumiti nang mabanggit ang versus fights bukas. Hindi kaya the day after tomorrow na ang pag ganap namin sa misyon??
Naku!









-SANA NGA!!-
















Itutuloy»»»»»

The Successors (Magic World's Next Hope)Where stories live. Discover now