Chapter 19•The Stranger

10 1 0
                                    

SETHS's POV

5:00 AM
Oras sa holographic wall clock dito sa lobby ng building. Hinihintay na lang namin sina Senior Selena at Sire Levi.



"Succesors." banggit ni Sire Levi nang makalapit ito sa amin.



Agad kaming tumayo at nakita ang mga tagapagsilbi na kasama nila senior Selena na may dalang mga bag packs.




"Tandaan niyo sana lahat ng mga itinuro ko sa inyo. Lahat ng mga impormasyon at mga payo na ibinigay ko sa inyo. Makakatulong sa inyo yun lahat. Magtulungan sana kayong lima at bumalik ng buhay sa amin at dala na ang Gem. Mag iingat kayong lahat." kalmadong sabi ni Senior Selena.




Sumenyas si senior Selena sa mga tagapagsilbi at ibinigay sa amin ang mga bag packs. Sa gilid nito ay may parang mapa na nakalagay.



"Naririyan lahat ng mga kakailanganin ninyo. Nasa mapa ang pupuntahan ninyo. Subukan niyong buksan ang isa."utos ni Sire Levi.


Si Brent ang unang nakakuha ng mapa niya mula sa bag pack kaya siya na ang pinagbukas namin ng hawak niyang mapa.


Bumungad sa amin ang isang holographic way mula sa Magic Council's Lair hanggang patungo sa isang lugar na nasa Timog ng Gredd.


Doon pala ang kuta ng mga walang hiya.




~

THIRD PERSON's POV

Isinara na ni Brent ang mapa at ibinalik ito sa kaniyang bagpack. Ipina-alam naman sa ni Levi sa kanila na may sasakyang naghihintay sa kanila sa labas.


Muling ipinaalala ni Selena ang kahalagahan ng mga singsing na suot nila bago sila hayaang makalabas ng tuluyan sa skyscraper lair ng Magic Council.


Pagdating nila sa labas ng gusali, sumakay na sila kaagad sa isang magarang sasakyan na mistulang limousine na maghahatid raw sa kanila patungo sa bayan ng Gredd.




~

SETH's POV

"Welcome sa Gredd!" banggit ni Klint.

"Mga ilang minuto po ang lalakarin natin bago makapunta sa bandang timog ng bayan. Masukal at mabundok doon, marami ding mga kuweba. Hindi ko akalaing doon pa sila magtatago eh may mga nakatira din doong mga taga dito dahil nandun ang ikinabubuhay nila at ang mga likas na materyales para makagawa ng mga sandata."dagdag pa nito.



"That's why sa bayan niyo nanggagaling ang mga matitibay at makapangyarihang mga sandata dahil as far as i can remember, kayo lang ang bayang tutok sa pag gawa ng mga iyon." sabi ni Iza.



"Hehe, ganun na nga. Gusto niyo muna bang mag agahan sa palasyo?" tanong ni Klint sa amin.



"Maybe not bro, sa pagkakataong ito nakasunod na ang mga mata sa atin nila Xylem. Kung pupunta pa tayo sa palasyo ninyo na nasa gitnang bahagi ng bayan, baka bigla silang umatake at marami pang madamay." tugon ni Brent.



"Sang ayon ako." banggit ko.


"Then, saan na tayo Klint?" tanong ni Claudia.


"Doon na tayo." tugon ni Klint.



Mga ilang minuto pa at nasa bandang timog na kami ng Gredd, mabuti nalang at malapit sa timog ang gate ng bayan nila Klint.



"Whoa! Napakasukal ng gubat na yan. Nasuyod mo na ba yan Klint?" tanong ni Iza na nauuna sa paglalakad kasama si Klint.


Akala mo naman alam niya yung daan, dapat dito ka sa tabi ko...si Klint lang ang nauuna. Tsk.



The Successors (Magic World's Next Hope)Where stories live. Discover now