Chapter 9

14 1 1
                                    

   ( Ha-sen-fer)
Ganyan po i-pronounce ang apelyido ni Brent mga kuys..hehe. Bale silent "t" - "Hastenfer". 😁

====

Chapter 9 - Needed to be Acquainted

Narrator's POV

Dumating na ang araw kung saan ang limang indibidwal ng limang bayan ay kikilalanin na ng mga nasa Magic Council.

Si Brent ay sinamahan ng kaniyang ama na si Headmaster Brome.

Si Claudia ay sinamahan ng kaniyang auntie na si Headmistress Miri.

Si Klint naman ay sinamahan ng kaniyang tatay tatayan na headmaster,  na si Headmaster Levi.

Si Iza na sinamahan ng kaniyang ina na si Headmistress Valeria.

Habang si Seth ay sinamahan ng kaniyang Lolo na si Headmaster Nathaniel.

Unang dumating sila Brent at ang kanyang ama dahil nasa hilagang parte lamang ng bayan ng Symeth ang kinaroroonan ng Magic Council. Sumunod na dumating sina Klint, sumunod sina Claudia, sumunod sina Seth, at ang pang huling nakarating ay sina Iza.

Isang skyscraper ang bumungad sa kanilang lahat at moderno ang disenyo nito at ang bawat detalye ng arkitektura nito.
====

Sa Lobby.

"Whoa. Pa, lobby lang po ito ng office nila? Ang laki po." Klint whispered habang sinusuyod  niya ang paligid.

Nginitian lamang siya ni Headmaster Levi.

"Sila po ba ang makakasama ko Auntie?"tanong ni Claudia

"Yes, iha."

Agad naman nito nginitian ang lahat at nagtama ang paningin nila ni Seth. Dahilan upang kawayan niya si Seth ngunit yumuko lamang ito at binaling ang tingin sa iba.

Napataas nalang ng kilay si Claudia at di na ito pinansin.

"Pleasant day for you all."

====

°SETH's POV°

Tinitigan ko ang bawat makakasama ko sa misyong ito at tila lahat yata kami ay mga kamag-anak ng Headmaster o kaya ng Headmistress dahil kung hindi, sigurado akong mga guro sa Academy ng bawat bayan na naka-assign sa Ability Enhancement subject ang ipapasama nila sa bawat representative.

Nagtama ang paningin namin ng isang babaeng nakangiti. Kasing edaran ko lang din siguro siya tulad ng tingin ko sa iba pa naming makakasama. Mahaba ang kaniyang buhok at naka pusod, nag iwan naman ito ng ilang maninipis na naka curl niyang buhok sa harapan at gilid ng kaniyang mukha, maputi siya ar makinis at napaka ganda ng kaniyang mga mata at ang kaniyang mukha ay inosenteng inosente kung tingnan. Kumaway siya sa akin at biglang namental block ako sa maaari kong gawin kaya yumuko nalang ako bigla at umiwas nalang ako ng tingin.

"Pleasant day for you all."

Isang babae ang lumapit sa amin. Mga nasa mid- 40's pero mukha pa rin siyang nasa 20's. Matangkad siya, balingkinitan ang katawan, porselana ang balat, mapungay ang mga mata at abot hanggang likuran ng kaniyang mga tuhod ang kaniyang buhok na brush up ang style at kulay chesnut,  habang ang kaniyang mga mata naman ay kulay itim.

Tumayo kaming lahat.

"Senior Selena." kalmadong bati nila lolo at ng mga kasama ng mga makakasama ko sa misyon.

Yumuko lang ako at muling tumingin sa kaniyang kinatatayuan. Napansin kong ganito rin ang ginawa ng mga makakasama ko.Parang ang hirap para sa aming mga baguhan dito sa opisina ng Magic Council ang tingnan siya ng diretsuhan sa mukha o mata.



The Successors (Magic World's Next Hope)Where stories live. Discover now