THIRD PERSON's POV
Nakarinig sila ng napakalakas at napakatinis na tinig mula sa babaeng nasa pinaka itaas ng loob ng kweba. Lalo pa ito naging malakas dahil sa echo na nabubuo sa loob ng higanteng kweba.
"IZA, MAKE HER STOP!!" sabi ni Brent.
"I'M TRYING!!" tugon ni Iza.
"AHHHHH! SE- SENTEMENTUS ..... HA- HA-..... HAVLARTUM!!!" sigaw ni Claudia habang tinatakpan niya ang kaniyang tenga.
Biglang tumigil ang ingay at nalaglag ang babae mula sa itaas.
Hindi na nito ma-igalaw ang kaniyang buong katawan.
"Claud whats that spell?"tanong ni Brent.
"Paralyze ngayon ang katawan niya at di siya makakagalaw hangga't di ko papahintulutan."tugon ni Iza.
"Then let her lead the way, pilitin natin siya kung gusto niya pa makagalaw." sabi ni Klint.
Lumapit si Seth sa kinaroroonan ng babae na may mga pakpak, itim at mahabang buhok.
"O kaya putulin nalang natin ang pakpak niya kapag magkaka-ila pa siya." sabi ni Seth habang nakangisi sa harap ng babae.
"The host must be vanished in order to break the spell..hahaha!" sabi ng isang babae kung saan.
"Unfair naman yata kung lima kayo at isa lang siya."sabi pa ng isang babae kung saan.
"CLAUDIA!!" napasigaw nalang si Seth nang biglang may lumipad papunta kay Claudia at dinala ito pa-itaas.
Agad gumawa ng malakas at nakakayanig na ugong ang dalawang babae habang si Claudia ay wala nang malay.
Nawala agad ang spell sa unang sumugod sa kanila.
"Aw! Nangawit ako doon ah! Unfortunate heirs, di marunong makipaglaban ng patas."
"Sis, the witch is in our hands. Next, the guy whos giving the light..haha!"
"Sino ba sa inyo ang nakakakita sa dilim? Well big, revelation...we can.hahaha!"
Pag uusap ng tatlong babae sa harapan ng mga naghahabol na hininga na mga tagapagmana."Haha. Is that all you've got?" pang aasar ni Brent habang nakangisi pa sa sobrang sakit ng tainga.
"You're handsome, but i need to kill you too..haha!" sabi ng isang babae habang nakatitig kay Brent.
Tumayo agad si Klint nang nag hilom na ang sakit ng pandinig niya at mabilis na pumunta sa tatlong babae at kinuha si Claudia pabalik sa kanila.
"The Canaries ha? Totoo pala ang kwento kwento noon na may mga magagandang babae na nakatira sa higanteng kweba na'to. Hindi makapunta ng bayan dahil sa mga ikinahihiya nilang mga pakpak. Sorry nalang kasi ang papangit ng boses niyo at hanggang dito nalang sa kweba ang lipad niyo." nakangising sabi ni Klint.
"Iza, Seth...ok na kayo? I think nakopya na ni Brent ang kapangyarihan nila." sabi ni Klint sa dalawa habang nakangisi pa rin sa sakit ng kanilang tainga.
Umatake kaagad ang tatlong babae nang nakikita na nilang nagiging maayos na ang lagay ng limang tagapagmana. Ngunit tumilapon sila at tumama sa isang malaking bato na maraming patulis na ugat galing sa lupa nang maunahan sila ni Brent sa pag atake.
YOU ARE READING
The Successors (Magic World's Next Hope)
Fantasy"Five Cities, Five Successors, One Mission, One World." Payapa ang buong Magic World hanggang sa nakuha ng isang makapangyarihang nilalang ang "Ancient Gem" kung saan ito ang nagbabalanse ng kabuoan ng Magic World. Dahil dito, nag decide ang Magic C...