Chapter 10

8 1 0
                                    

Chapter 10 - The Vision and the Maze

°IZA's POV°

Isang silver na singsing na may limang maliliit na puting crystal ang nakapa-ikot dito, iyan ang laman ng maliit na box na sinabi ni Senior Selena na iaabot sa amin ng mga tagapagsilibi paglabas namin ng Training Room.





Mataas at malapad ang skyscraper na ito, na siyang building ng Magic Council. Halos kasing lapad at laki siya ng palasyo, pero napakamoderno nito kaya isa sa mga skyscraper kung tawagin ito dito sa Symeth.

,

"Ang training room, ang cafeteria, amg medic room, ang inyong mga kwarto at ang library ay nandirito lamang sa floor na ito. Kaya madali ninyong masasaulo ang mga kailangan niyong puntahan habang nandirito pa kayo. Bukod dito, ang ibang mga palapag sa gusaling ito ay restricted areas na, maging ang floor kung saan kayo kinilatis ng Magic Council kanina ay hindi niyo na maaaring balikan nang walangmay pahintulot."aniya ni Senior Selena.


,


"Pakihatid niyo na sila sa kanilang mga silid."she said it with an authority sa mga tagapagsilbi.

,


Nagbigay ito ng matingkad na ngiti sa amin bago maglakad papunta sa elevator.




Agad kaming sumunod sa mga maghahatid sa amin sa aming mga silid. Gumawi kami sa kaliwa at pagkatapos ng halos ilang segundo, gumawi na kami sa kanan, at isang hallway na puro pinto ang bumungad sa amin. Mga pitong pinto kaliwa at kanan.


-Guest rooms.-

Sa unang tatlong pinto raw sa kaliwa ang mga lalake at sa unang dalawang pinto naman sa kanan ang silid naming dalawang babae sabi ng isang tagapagsilbi.





Si Claudia at Klint lang ang ngumingiti sa amin kapag ang paningin nila ay nagtatama sa aming mga mata, habang kaming tatlo nila Brent at Seth, ay tumatango o kaya ay yumuyukod lamang pag nginingitian nila kami.


,




Wala pa ring nagsasalita sa amin para i - approach ang isa't - isa. Habang hinahatid kami isa - isa sa aming mga silid. May nakita akong Portrait ng isang matandang lalaki na nakasuot ng cloak sa may pader sa pagitan ng pintuan namin ni Claudia at nakataas ang kanyang kanang kamay habang naka tingin siya sa kalangitan. Nakita ko ang isang marka sa wrist ng kaniyang kanang kamay, parang falcon na ibon ito na mistulang nakatagilid at mga gilid lang nito ang binubuo ng mga linya . Bigla na lamang may mga imahe na namuo sa aking isipan nang magtagal ang aking paningin dito. Nakita ko ang Ancient Gem, ang isang batang lalaki na nasa tapat ng portal sa Zhel at di ko maaninag masyado ang kaniyang mukha, isang kwintas na gold at isang malakas na pagsabog mula sa dalawang enerhiyang nag banggaan.


Naramdaman kong bumagsak nalang ako sa hallway at naghabol ng hininga. Sa lahat ng kaya kong gawin gamit ang ability ko, ito ang hindi ko pa masyado nakokontrol, ang telepathic sense. Nangyayari ito kapag napapatingin ako sa mga bagay o tao na maaaring may kinalaman sa iniisip ko sa pagkakataong iyon o may kinalaman sa buhay ko.



-Ang misyon. Yun lang ang iniisip ko habang naglalakad kami sa hallway na ito.-


Naramdaman kong may mga lumapit kaagad sa akin at dahan dahan akong itinayo. Pagtingin ko sa kanila, ay sina Brent at Klint pala.


"Uy, Iza hindi ba? Ayos ka lang ba?"pag aalalang tanong ni Klint.


"Gusto mo bang ipasabi namin sa mga tagapagsilbi na sabihin nila kay Senior Selena na sa cafeteria ka nalang muna para kumain?"tanong ni Brent.


The Successors (Magic World's Next Hope)Where stories live. Discover now