Chapter 24• Perilous Way

8 1 0
                                    





KLINT'S POV

Ang lugar na'to, kung saan nawala ang ilang mga naging kaibigan ko sa Academy.

Hindi na dapat mangyari yun ngayon.


"Ano man.....ang makita niyo.....huwag na huwag ninyong hahawakan...at....ano man ang humawak sa inyo mula sa lugar na ito.......huwag na huwag ninyong papansinin." payo ko sa aking mga kasama habang hinahabol ko pa rin ang aking hininga.

Kami ni Seth ang nasa dalawang dulong gilid. Katabi ni Seth si Claudia, nasa gitna naman si Brent habang si Iza ang sumunod sa kaniya, pagkatapos ay ako.


"Parang walang kakaibang nilalang o halaman dito." aniya ni Claudia.


"Na mas nakakapagtaka, tatawagin ba naman itong mapanganib na lugar kung wala ritong makapanyarihang mahika." pahayag ni Seth.


Nag umpisa na kami maglakad, at unang hakbang pa lamang namin.....ang kaninang maliwanag na umaga, sa isang iglap....ay naging gabi.


"See?" nakangising banggit ni Brent.


"Naging gabi na pero araw pa rin ang nasa itaas, hindi na nga lang nito nabibigyan ng liwanag ang paligid." dagdag pa nito.


"Guys, look! May nagyeyelong bundok sa kabilang dulo ng kagubatan." aniya ni Iza.


"Tsk! Xylem." pabulong na banggit ni Seth.


"Magpatuloy na tayo sa paglalakad, kailangan nating makakita ng pulang puno dito. Lagpas daw sa pulang punong iyon ang daan para makalabas tayo sa misteryosong lugar na ito." sabi ko sa aking mga kasama.


Nagpatuloy na nga kami sa aming paglalakad.


Sari saring mga bulong at tinig ang aming naririnig.

Sari saring mga haplos din sa aming balat ang aming nararamdaman pero pilit namin itong hindi pinapansin.


Nasaan na ba ang pulang punong iyon!?
Magpakita ka naman na oh.
Hindi ko pwedeng gamitin ang ability ko sa paghanap sa punong iyon, kailangan naming magsama sama ano man ang mangyari.



Biglang bumuhos ang malakas na ulan, ngunit nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad at paghahanap sa pulang puno dito.

Maya maya pa ay....

Hindi namin napigilang hindi tumigil sa paglakad sapagkat ang patak ng tubig dahil sa ulan, ay naging maraming patak ng dugo mula sa itaas namin.


Kasabay nito ang pagkarinig namin ng alingawngaw ng iba't-ibang tinig na umiiyak.



Hindi pwede ito!


"Tara na, wag niyo na lamang pansinin." mariing pahayag ko sa aking mga kasama.


Sa muling paglalakad namin, pagkatapak na pagkatapak ng aming paa sa lupa. Biglang nawala ang pag ulan ng dugo, muling nagliwanag at nakikita na namin ang pulang puno mula sa di kalayuan.


"There it is!" sabik na pahayag ni Brent.


"Mas mag ingat pa tayo." banggit ni Seth.


Naging mabilis ang aming lakad upang makarating na sa punong iyon, halos tumakbo na kami sa kasabikan.



Teka, parang may mali sa punong nakita namin.


"Sandali lang...." pagpigil ko sa aming pagtakbo.


"Guys, gumagalaw ang puno. Hindi niyo ba napansin? Ang itaas na bahagi nito, sinusubukang lingunin tayo." halos pabulong kong banggit sa kanila.


The Successors (Magic World's Next Hope)Where stories live. Discover now