Chapter 13

8 1 0
                                    

Chapter 13 - The Man in the Portrait

°BRENT's POV°

Nagising ako sa isang silid na pamilyar sa akin.
      -Ang Medic Room.-

"Uy bro, gising ka na pala. Kamusta na ang pakiramdam mo?"tanong ni Klint sa'kin.

Unti unti akong bumangon at umupo sa edge ng kama. Nakita ko si Seth na tulog pa sa isang mahabang sofa, si Iza naman ay tulog pa din sa kaniyang kama habang si Claudia ay nakahiga ang ulo rito.

"Yup. Im feeling better right now, thanks."tugon ko.

9:00 AM.
Napatingin ako sa holographic wall clock sa itaas ng pinto ng medic room.

"Mag uumpisa na Ang training natin mamaya maya, sa tingin mo, gisingin na natin sila?"Klint asked.

"Hayaan mo nalang muna, besides we are all exhausted."tugon ko.

"Kung sa bagay. Sige idlip muna ako."aniya nito.

Bumalik na si Klint sa sofa at umidlip habang ako, inaalala pa rin ang mga nakita ko sa Mist.

Kinailangan kong gamitin ang dagger sa fraud na Hazel para makalabas sa ilusyon na iyon. Naalala ko tuloy ang sabi niya sa'kin bago ako lumusong sa misyong ito. Mas piliin ko ang kaligtasan ng aming mundo kaysa sa kaligtasan niya kapag nagka-aberya.

-Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kaniya, pero hindi ko rin hahayaang masira ang aming mundo.-

Napahawak ako ng mahigpit sa sapin ng kama at kusang naging diamante ang aking wangis.

-Tok! Tok! Tok!-

May kumatok sa pintuan kaya agad kong binalik ang aking wangis sa dati.

"Senior Selena."buong galang kong pagbanggit sa pangalan niya nang pumasok na siya sa silid.

"Mukhang nagpapahinga pa kayo."aniya nito.

"Pero kailangan na nating maumpisahan ang inyong training."she smiled.

Kumumpas ito pataas at may mga nagpuntahang gold and silver dusts na nasa ere sa apat kong mga kasama. Huminto ito sa tapat ng kanilang mukha at maya maya pa ay nagising silang lahat at bumahing.

"Good Morning!"masayang bati sa amin ni Senior Selena.

"Hinhintay na kayo ng mga tagapagsilbi sa labas para mahatid kayo sa inyong mga kwarto at pagkatapos ay ihahatid na nila kayo sa cafeteria para mag agahan. I'll see you in the ability room at 11:00am."she smiled then left the room.

Bumangon na kaming lahat at lumabas na ng medic room. Halos mapungay pa ang aming mga mata habang naglalakad.

"See you guys sa cafeteria!"masayang sabi ko sa kanila bago pumasok sa kwarto.

"Let me guess guys, hmmmmm....si Claudia ang mauuna sa atin doon." Iza smirked.

"That guess will be a fact."pang aasar ni Seth.

"Ay grabe sila oh, Claudia...katukin mo'ko pag mauuna ka ha, gutom na rin ako eh, haha!"aniya ni Klint.

"Ah, sige ...mag ayos lang ako saglit."sagot ni Claudia.

Pagkatapos masabi yun ni Klint, pumasok na si Seth sa kwarto niya na may kalakasan ang pagkakasara ng pinto. Klint and I laughed.

"Anyare dun?"tanong ni Claudia.

"Naaalimpungatan kasi."Iza chuckled at sabay sabay na kaming pumasok sa kwarto namin.

-Hayyyy Claudia...bakit hindi mo pa kasi mahalata na nagkakagusto na sa'yo si Seth..haha!-

The Successors (Magic World's Next Hope)Where stories live. Discover now