Chapter 3 - Brent Hastenfer
Nakadungaw lang ako sa bintana ng kwarto ko habang hinihintay na umulan, haha, ewan..gusto ko talaga ang simoy ng hangin kapag umuulan maging ang bawat patak nito ay pawang musika sa aking tenga.
,
Pero napabalikwas ako mula sa bintana at nahulog sa kinauupuan ko nang kumulog at kumidlat nang sunod-sunod at ang nakakapanibago pa, parang iba't - iba ang kulay ng mga kidlat na nag uumpugan sa ulap.
,
Bigla nalang ako nag seryoso at may di magandang naramdaman. Parang may mali.
,
Pinindot ko ang isang button malapit sa wardrobe ko at ipinatawag ang isa sa mga tagapagsilbi.
,
Humiga muna ako sa kama habang nag iisip ng kung ano kaya ang nagaganap ngayon sa labas hanggang sa may sunod sunod na pagkatok akong narinig sa pintuan ng kwarto ko.
,
Tumayo ako kaagad, inayos ang aking buhok at pinagbuksan ang isa sa mga tagapagsilbi.
"Ano po ang aking maaaring gawin?" nakayukong sabi nito
"Si Pa.... -si Headmaster Brome, nasa kwarto niya ba siya o nasa Academy?"
"Sa pagkakaalam ko po ay nagpatawag ng pulong ang Magic Council at kanina pa po umalis si Headmaster Brome. Ito po ang binanggit niya sa amin bago po siya umalis."
"Si Mama?"
"Nasa Academy po ngayon at may aasikasuhin daw po siya para sa mga pagkaklase nitong Linggong darating."
"Ah, ganun ba?" I pout my lips at pansin kong namula ang taga silbi na mga 5 years ata agwat sa edad ko. I smirked.
,
Hmmm. Ano kaya ang nangyayari? Tsk. Ano kaya ang magagawa ko? Kabanas naman. Sinirado ko na muli ang pinto at nagpasalamat sa tagasilbi.
====
Biglang may kumatok muli sa pinto. Naka idlip pala ako.Tumayo naman ako kaagad para buksan ito.
,
"Oh, Ma..andito na po pala kayo. Alam mo po ba ang nangyayari?"
"Brent, anak...pinapatawag ka ng Papa mo. It seems like it will be a serious talk."
Sabay kaming pumunta ni Mama sa salas at dun ko nakita si papa na nakagayak pa at mukhang galing pa sa pagpupulong nila.
"Brent, iho..."
"Po? Ano po iyon Pa?"
Pag kaming tatlo nalang nila Mama, pwede ko siya tawaging "Pa"."Someone's stole our world's ancient Gem."
"P- p- po?"
Kaya pala ganun na lang ang dagundong sa kalangitan kanina. Nagbabadya ng hindi magandang kaganapan sa Magic World.
"Pero paano na po ang balanse ng mundo natin? Ang init sa kalangitan, mga pagkain sa kagubatan at sariwang hangin maging tubig? Makakatagal naman tayo di ba Pa?" nagugulimahanang kong tanong with a skeptical expression.
"Sa mga pagkakataong ito, ginagawa na ng Magic Council ang kanilang trabaho para mabalanse muli ang ating mundo, well at least temporarily."
"Kung hindi agad mahahanap ang Gem, mauubos ang lakas at manghihina ang mga nasa Magic Council Dad habang sinisikap nilang mabalanse ang Magic World." pag-aalalang tanong ni Mama.
"Tsk." binagsak ko ang katawan ko sa sofa at huminga ng malalim.
"I can't believe that our world is depending on a Gem." I sighed.
"Anak, ayon sa history natin noon, ang mga kagaya natin ay naninirahan din sa Normal na Mundo, sa Mundo ng mga tao. Hanggang sa biniyayaan ang mga uri natin ng isang makapangyarihang Gem na gumawa sa mundo natin at nang dumami tayo ay nagkaroon ng iba't iba pang mga kapangyarihang bagong tuklas at patuloy ang pagpasok sa portal na nasa pangangalaga ng Zhel ngayon ang iba pang mga ka-uri natin na nasa mundo pa ng mga tao noon. May ilan ding mga nagsasabing isa sa mga kauri natin ang nanumpa bago siya pumanaw at ang nais niya ay ang sariling lugar para sa atin, that's why may sabi sabi na sya mismo ang naging Gem." paliwanag ni Mama
"Neither or...in short kailangan nating ingatan at pagyamanin ang biyayang iyon sa atin."sambitla din ni Papa
"Luck for us I guess." sagot ko habang nakapikit sabay hikab.
"Symethin Bridwood. Siya ang gumamit ng Gem na iyon at siya ang kauna-unahang superior dito sa atin at sa Magic Council."aniya ni Papa.
,
Minulat ko ang mga mata ko at napa-isip.
"So sa kaniya pala galing ang pangalan ng bayan natin. Symeth."sagot ko."Oo, at ito rin ang unang bayan sa mundo natin."sagot ni Mama habang nakatingin sa labas.
,
Patuloy pa rin ang lagapak ng malulutong na ingay ng kulog at kidlat at ang malakas na hangin. Yumanig din daw kanina ang lupa pagkarinig ko sa ilan sa mga tagasilbing nag uusap habang papunta kami kay Papa kanina pero di ko naman ito yata naramdaman.
"Kaya bawat bayan ay magpapadala ng isang indibidwal sa Magic Council para maging katuwang sa paghahanap sa Gem."mariing sabi ni Papa habang nakayuko.
,
Pagkasabi ni Papa ng mga salitang iyon, as if like a cue. Lumiwanag na muli sa labas, ang hangin ay naging prente na at lahat ay bumalik sa normal. Huminahon na ang mala-delubyong pagkakataon. Mukhang gumawa na ng paraan ang mga nasa Magic Council.
,
Tumingin ulit kami ni Mama kay Papa na nakatayo na sa aming harapan ngayon.
"At ikaw anak ang ipapadala ng Symeth."
YOU ARE READING
The Successors (Magic World's Next Hope)
Fantasy"Five Cities, Five Successors, One Mission, One World." Payapa ang buong Magic World hanggang sa nakuha ng isang makapangyarihang nilalang ang "Ancient Gem" kung saan ito ang nagbabalanse ng kabuoan ng Magic World. Dahil dito, nag decide ang Magic C...