Chapter 12 - Late Range
°CLAUDIA's POV°
11:20 PM.
Masyado nang late para kumain pero nagugutom talaga ako ngayon. Buti nalang at sinamahan ako ni Iza.-Saglit lang talaga..haha!-
"Uy, salamat ah. Alam kong inaantok ka na din pero sinamahan mo pa rin ako."sabi ko kay Iza.
"Maliit na bagay."she smiled.
-Malayo pa kaya yung Cafeteria?-
"Malakas ang pagkakasuntok mo kay Seth kanina ah."tanong ni Iza habang tumatawa.
"Akala ko kasi nasa illusion pa rin ako tapos isa siya sa mga kumukuha kay Clarence."tugon ko.
"Clarence?"
"Ah, oo, yung cute kong kapatid."
"Buti nalang, baka ano pa ang magawa ni Seth."she whispered while walking.
-Ha? Ano daw? Hindi ko narinig yung sinabi niya.-
"Saying anything?"I asked.
"Ha? Nothing."she chuckled and smile.
"Ate, malapit na po ba tayo sa cafeteria?"tanong ko sa isang tagapagsilbi.
"Yes Ms. Claudia. Isang pag kanan nalang po."tugon nito.
-Wew! Salamat naman.-
"Shoot!!"biglang napahinto si Iza.
"Oh? Bakit?"I asked.
"Ang panyo ko na bigay ni Ace nakalimutan ko sa Medic Room!"
"Ace?
"Yup, he's my best friend."
"Pwede mo naman yun balikan Iza pagkatapos natin mag snacks."
"Ahm, hindi pwede eh. Ahmm, kasi....hindi ako sanay na may nakakaligtaang gamit ko, lalo na kapag hindi ko ito naiwan sa bahay o kaya sa kwarto ko. Hindi ako mapapakali."
"Bekenemen kasi magelit yung Ace kepeg newela yun?"pinatong ko ang aking ulo sa balikat niya then i chuckled.
"Isa pa yun, regalo niya pa naman yun nung 18th birthday ko. Im dead kapag nawala yun."
-Whoa....ngayon ko lang siya nakitang halos mataranta.-
Naalis ko tuloy bigla ang ulo ko sa balikat niya."Ah....sige, I will wait you nalang sa Cafeteria."I smiled.
"Thank you."then she left.
Maya maya pa ay nasa cafeteria na kami at pumasok na ang tagapagsilbi sa kusina.
Umupo na ako sa dulo ng long table malapit sa kitchen door. Ang tahimik na ng lugar at tanging ang katapat lang na chandelier ng lamesang kinaroroonan ko ang binuksan ng tagapagsilbi.
Biglang umihip ang malakas na hangin at nagpatay sindi ang ilaw ng chandelier. May naaaninag akong isang lalake na naka upo sa isang long table. Hindi ko makita ang wangis nito dahil nasa bandang madilim na parte siya naka upo at naka yuko pa ito.
Namatay ng tuluyan ang ilaw sa chandelier kaya napatayo ako bigla. Narinig ko na pilit binubuksan ng tagapagsilbi ang kitchen door pero hindi niya ito mabuksan.
YOU ARE READING
The Successors (Magic World's Next Hope)
Фэнтези"Five Cities, Five Successors, One Mission, One World." Payapa ang buong Magic World hanggang sa nakuha ng isang makapangyarihang nilalang ang "Ancient Gem" kung saan ito ang nagbabalanse ng kabuoan ng Magic World. Dahil dito, nag decide ang Magic C...