Chapter 5 - Klint Powelstand
"Klint! Tawag ka ni Headmaster Levi."
,Napatigil ako sa aking ginagawang paglilinis. Umaliwalas na ulit ang paligid sa labas at natanaw ko mula sa bintana ang ilang nga wasak na bahay sa downtown. Gusto kong bumaba at tulungan sila pero sakto namang pinapatawag ako ni Headmaster Levi.
"Bakit daw?"
"May mahalaga daw siyang sasabihin sa'yo."
,
Napatigil siya nang mapansin niya ang map na hawak ko at tinatago ko sa aking likod.
"Klint. Mapagsasabihan ka nanaman ng Headmaster kapag nakita ka niyang ginagawa mo yan."malamig na sabi ni Eric. Isa sa mga kaibigan kong tagapagsilbi dito sa Mansion.
"Pero Eric, nahulog at nabasag ang Aquarium kanina, at andaming bubog, di ko na hinayaang ang ibang mga tagapagsilbi ang maglinis dahil may tsansang bumaon sa mga paa nila ang bubog. Alam mo naman na...-"
"Ikaw lang ang may kakayahan dito na paghilumin ang sugat mo sa isang kisap lang ng mata."he sighed
"Ok, hands up Klint. Ako na dyan mukha namang naitabi mo na ang lahat ng mga bubog at nagmamap ka nalang. Sige na, pumunta ka na sa silid ni Headmaster Levi."nakangising sabi nito
"Ok."I smirked
====
Tatlong beses akong kumatok sa pinto bago ko ito binuksan.
,
Nakita kong nakatingin lang si Headmaster Levi sa labas sa kaniyang terrace at seryoso ang mukha.
,
"Headmaster, pinapatawag niyo daw po ako?"buong galang ko na pagtatanong
"Alam mo namang matanda na ako at nawalan ng anak at asawa hindi ba?" he said it monotonous and still stiffened ang tindig
"Opo Headmaster."
"Alam mo namang mula sa downtown pitonh taon na ang nakalilipas ay inampon kita hindi ba?"still with a stiffen posture.
"Yes Headmaster."
"Naalala ko pa noon, binantayan at sinubaybayan muna kita bago kita inampon. Parehas kayo ng mga mata ni Angelo, at iyon ang una kong napansin sa'yo nang dumalaw ako sa downtown. Ilang pamilya ang kumupkop sa'yo, halos sunod sunod at do mo sila binibigo. Sa murang edad di ka nagdamot sa iyong kinikita at halos mapabayaan mo na ang sarili mo. Pero dahil sa ability mo, mayroon at mayroong miyembro sa bawat pamilya na kumukookop sa'yo ang naiinggit sa'yo, hanggang sa tuluyan ka nang namuhay mag isa sa edad na dose. At doon na kita inampon at itinuring na tunay ko na ring kadugo.... tunay kong anak."mahabang pahayag nito pero nakatingin pa din siya sa labas at tuwid ang tindig.
"Headmaster -"
"At alam mong pag nandirito na tayo sa Mansion, ay maaari mo na akong tawagin sa-"
"Pa.."sumagot ako kaagad
"Ano po ba ang problema? Alam niyo naman pong mapagkakatiwalaan ako di po ba? Pa, ano po ba talaga ang nangyayari?"malumanay kong pahayag
,
Doon lamang niya ako liningon at tumingin sa akin na nakangiti.
,
"Oo, alam kong mapagkakatiwalaan ka Klint."he said it with a smile
"May kumuha ng Gem."bigla siyang yumuko at unti unti napawi ang ngiti sa kaniyang labi.
"Po? Pero, ok na po ang ulit ang paligid. Baka po talagang babagyo lang dapat kanina at-...."
"Umaliwalas na ang paligid dahil kumilos na ang Magic Council at.............bawat bayan ay kailangang may maipadala sa kanilang isang indibidwal para kanilang makatuwang sa paghahanap."
,
"Kaya niyo po ba ako pinapunta dito?"
"Oo Klint, dahil batid kong makakatulong ka at mapagkakatiwalaan ka."
,
Tumalikod muli ito sa akin.
,
"Kahit labag sa aking kalooban, kahit alam kong mas may mga bihasa pa sa Academia upang isugo sa misyong iyon. Pero di lamang kakayahan ang dapat titigan dito kundi ang pagmamahal sa ating Mundo at.......nasa'yo iyon. Saksi ako Klint, kahit tayo na lamang ang bayan na halos halatado pa rin ang downtown at upper class, lagi kang gumagawa ng tulay para sa kanila, para sa atin. Para di nila tayo kamuhian at di namin sila habang buhay pag hinalaan."
,Humarap muli siya sa akin and he put his chin up and smiled.
,
"This conversation is done....my Son. Are you ready?"tanong nito
,
"Para po sa ating lahat-
Opo Pa."
YOU ARE READING
The Successors (Magic World's Next Hope)
Fantasy"Five Cities, Five Successors, One Mission, One World." Payapa ang buong Magic World hanggang sa nakuha ng isang makapangyarihang nilalang ang "Ancient Gem" kung saan ito ang nagbabalanse ng kabuoan ng Magic World. Dahil dito, nag decide ang Magic C...