SETH's POV
SHIT!!!
Bakit di ako makagalaw?Bakit di ko maalis ang mga mata ko sa pangalan namin ni Claudia bandang itaas?
SHIT!
Training lang 'to Seth, kalma lang."Wag mo masyadong galitin si Seth sa versus fight Claud, he has the temper,haha."asar ni Brent.
"Boom! Ano ang sa tingin mo mangyayari Iz?"tanong ni Klint.
"Let's see."halos pabulong na sabi ni Iza habang tumatawa ng papigil.
Mga lokong 'to!
Porket tulala ako kung ano na ang pinagsasabi sabi.Nginitian lang sila ni Claudia at naglakad na papasok sa force field.
Sumunod na rin ako sa kaniya at biglang naging buo ulit ang incantation force field pagkatapos namin makapasok dito.
Shit!
Dinadaga ang dibdib ko. Hindi ako ganto ah.
Bakit!!!!?
Shit!"Begin."hudyat ni Senior Selena.
Binunot na ni Claudia ang kaniyang magic stick at agad na tinapat sa akin.
"Bristavio!" sigaw niya.
At may lumabas na nagliliyab na apoy mula sa sa magic stick papunta sa direksyon ko.Agad akong gumawa ng shield at dito tumama ng ubod lakas ang apoy na mula kay Claudia.
Tang inis naman oh!
Bakit ako namemental black sa mga magiging next move ko!!?
Nayayamot na ako!!!!Maya maya pa ay tumigil sa atake si Claudia at muling ikinumpas ang kaniyang magic stick pa-itaas.
"Kashrif!"aniya nito.
Bigla akong nakaramdam ng tubig sa aking mga paa at pataas ito ng pataas. Napatingin ako sa kaniya at halata na ang pinagpapawisan niyang mukha.
Nang bumalik na ang mga paningin ko sa tubig, ay nasa dibdib ko na pala ito. Sa katawan ko lang ito dumadaloy.
Ano ba Claud! Lulunurin mo ba ako!?
Maya maya pa nabalutan na ako ng tubig. Kahit anong galaw ko ay hindi ako makalabas rito hanggang sa napaluhod na ang kaliwang tuhod ko.
Hindi na ako makahinga.
Napatingin ako kay Claudia at may mga kumikinang na dusts na lumalabas sa magic stick niya na naka itaas.
Kailangan niyang mabitawan ang magic stick!
Gumawa ako ng force field at maliliit na mga energy spikes sa magic stick na unti unti namang nilalamon ito.
Claud wala ka nang choice, bitawan mo na ang magic stick bago matusok ang kamay mo ng mga spikes.
Agad namang nabitawan ang magic stick nang natusok bahagya ang isa sa kaniyang mga daliri.
Bumagsak agad ang tubig na nakabalot sa akin at gamit ang nilikha kong force field sa magic stick ay inilayo ko ito kay Claudia.
Patakbo akong lumapit sa kaniya ngunit gumamit siya ng dimensional spell para makapunta agad sa kinaroroonan ng magic stick.
Agad kong ipinalapit sa akin ang magic stick at tinanggal ang force field ko rito. Nagulat si Claudia dahil nasa harapan ko na ang magic stick niya. Hahawakan ko na sana ito nang may binigkas na spell si Claudia pero di ko gaano narinig.
YOU ARE READING
The Successors (Magic World's Next Hope)
Fantasy"Five Cities, Five Successors, One Mission, One World." Payapa ang buong Magic World hanggang sa nakuha ng isang makapangyarihang nilalang ang "Ancient Gem" kung saan ito ang nagbabalanse ng kabuoan ng Magic World. Dahil dito, nag decide ang Magic C...