Chapter 16•Versus Fights

6 1 0
                                    

Hey guys! Sorry ngayon lang po ako nakapag update, hehe.

Preparing for operation si author. Yup, as in surgery pero i have faith na magiging matagumpay ang operation :) #Prayers !)))

Ang mga susunod na chapters will be fast pero magiging dugtong dugtong naman sa bawat kasunod na chapter,,hehe.

Sana ma-enjoy niyo pa rin po ! ≡^ˇ^≡

~

SETH's POV

Maaga ako nagising at nag workout sa kwarto ko. Hindi ako dapat umasa sa kakayahan ko, physically ready rin dapat ako sa versus fights namin mamaya.



Push ups,

Sit Ups,

Invisible boxing,

.....at marami pang pampapawis at pampalakas kalamnan ang ginawa ko.




Wew! Kapagod!
Maya maya pa ay nagpahinga na ako, nag gayak saka nagpunta sa cafeteria kasama si Brent.

------

Andito na kami ngayon sa training room at halos kasabay lang namin dumating si Senior Selena.



Kanina pa namin pinag uusapan sa Cafeteria ang magiging training namin ngayon. Kinakabahan na excited ang karamihan sa amin.


"Dahil sa nangyaring confessions kahapon, batid ko na mas pinagkatiwalaan pa natin ang isa't isa para sa misyon niyo. Kaya titingnan natin ngayon sa training kung ano ang mas mahalaga sa bawat galaw na gagawin niyo...ang tiwala? o ang misyon?"sabi nito.

Ikinumpas niya ang kanang kamay niya pa-itaas habang nakatingin sa amin.

"At ang unang pares na maghaharap ay sina......Iza at Brent!"malakas na pahayag nito.



Ang dalawang ma-utak ang unang sasabak sa versus fights ah. Parehas silang may alas sa mga kakayahan nila. May kakayahan si Iza na hindi maaaring tablan si Seth, habang si Seth ay may kakayahang kailangan muna ng host para magkaroon ng iba pang ability.



Pumunta na ang dalawa sa gitna pagkatapos lumabas ng bleachers sa gilid ng training room at napalibutan sila ng shield incantation ni Senior Selena.


"Begin." aniya ni Senior Selena nang hindi sumisigaw pero narinig sa bawat sulok ng silid ang kaniyang tinig. Marahil gumamit muli siya ng sorcery.

~

THIRDS PERSON's POV

Agad nagwangis diyamante si Brent para hindi siya magamitan ng telepathic attacks ni Iza.

Sinubukang titigan ni Brent si Iza sa kaniyang mga mata para magaya nito ang kaniyang kakayahan, ngunit bigla na lamang nagpabagsal bagsak si Brent sa bawat sulok. Ginamitan siya ng telekinesis ni Iza.

Walang naramdamang sakit sa katawan si Brent dahil diamante ang wangis niya. Nang nagbuntong hininga si Iza para magpakawala ng isang malakas na pag atake, saktong natitigan ni Brent ang mga mata ni Iza ng ilang segundo....sapat na pagkakataon para magaya nito ang kakayahan ni Iza.

Nang magpalabas ng impact si Iza habang nakahawak sa kaniyang noo ang kaniyang kanang kamay, biglang bumalik sa kaniyang tunay na wangis si Brent at ginaya ang atake nito.



Nagsalubong ang impact na ginawa nila sanhi ng pagdagundong ng silid at pagkurap ng incarnation force shield ni Selena.


Parehong nadala ng impact sina Brent at Iza sa magkabilang dulo at nakuryente sa force field.

Agad nakapag palit wangis si Brent kaya hindi siya nagtagal sa kuryente dulot ng force field at tumakbo nang mabilis kay Iza para gawin ang kaniyang plano, ang matulungan si Iza na makawala sa pagkakakuryente at manalo.


Malapit na si Brent kay Iza nang nakontrol nito ang mga kuryenteng dumadaloy sa kaniyang katawan at ibinaling ang mga ito sa direksyon ni Brent.

Dahil taglay pa ni Brent ang kakayahan ni Iza, nagpatuloy ito sa pagtakbo habang ang mga kuryenteng papunta sa direksyon niya ay huminto lamang sa kaniyang unahan.


Maya maya pa ay nakawala na si Iza sa pagkakakuryente at nang humarap siya sa direksyon ni Brent ay nakapalibot na sa kaniya ang matalim at diamanteng wangis na kamay nito sa kaniyang leeg.

~

SETH's POV

Totoong kaya na pala talaga ni Brent mag absorb ng kakayahan ng iba kahit sa titig lang nang hindi niya hinahawakan ang host. Ngayon ko lang nakita na ginamit niya ang strategy na iyon.

Naglaho ang kalahati ng incarnation force field ni senior Selena at lumabas ang dalawa.

"Quite a fight. Isang matalinong paraan ng pakikipaglaban ang ginawa ninyo. Well done."nakangiting sabi ni senior Selena sa dalawa nang makalapit na sila sa amin.

Nagtawanan lamang ang dalawa habang hinahabol ang kanilang hininga bago tumabi sa amin.

"Whoa! Ang angas ng pinakita ninyo!"mangha ni Klint.

"Ang susunod na maglalaban para sa pagsasanay natin ngayon..."aniya ni Senior Selena.

Halos manlaki ang mga mata ko sa lumitaw sa aming itaas pagkakumpas ni Senior Selena.


"Sina SETH at CLAUDIA!"



Itutuloy>>>>>

The Successors (Magic World's Next Hope)Where stories live. Discover now