SETH's POV
Halos kalahating oras na kami naglalakad papunta sa direksyon na itinuro ng bata.
Gusto ko nang mayamot, gusto ko nang kunin ang mapa na nasa likod namin, gusto ko nang SUMIGAW!!
Pero hindi ko magawa. Patuloy pa rin kami sa paglalakad nang nagkukwntuhan at masaya....taliwas sa kung ano na talaga ang nararamdaman ko, kabanas!
"AHH! Ouch!! Shit!"
Hala, si Iza natalisod sa ugat ng malaking puno.
~
IZA's POV
"AHH! Ouch!! Shit!"
Ang bulag naman ng ugat ng punong yan oh, di ako iniwasan.
Ha?? Teka, bakit parang nag iba ang daan?
Pagkalingon ko ay nakita ko ang mga kasama ko na hindi man lang ako tinulungang makatayo at nakangiti lang sila sa batang kasama namin.
Tumayo na ako at nagpagpag ng damit nang makita ko ang singsing na suot ko...
SHIT! What the- !!!
Naalala ko na ang lahat, ang batang yan, hindi talaga siya naliligaw!Umiilaw ngayon ang gold parallel line sa singsing, meaning nasa panganib kaming lima!
"Ate, may problema po ba? Malapit na po tayo sa amin." malambing na sabi ng bata.
Walang hiya ka sino ka ba talaga!??
Kailangan ko muna magpanggap, narardaman ko pa ang kapangyarihan niya sa katawan ko."Tara na, ok lanf si ate." pilit kong sabi na may pilit na ngiti.
Ha? Gosh! Wag ko hawakan kamay ko!!
"Atsu!" bahing ko.
"Di maganda rito, bilisan na natin." at nauna na ako maglakad.
Wew! Kamuntikan na yun.
Gumamit na ako ng kapangyarihan ko at tama ang hinala ko, may Psych ability ang lokong 'to at nababalutan ng kapangyarihan niya ngayon ang mga kasama ko.
Nang maramdaman kong wala na nang tuluyan ang kapangyarihan ng bata sa akin ay agad akong lumingon.
Shit!! What the -!!!!!
Halos manlaki ang mga mata ko at agad tumalikod para di maging kahinahinala ang reaksyon ko.Isang binata na mga kasing edaran namin ang katabi ng mga kasama ko. Nakangiti at kalmado ang itsura. Naka itim siyang jacket at pulang pang ibaba.
Now Iza!
Humarap na ako ng tuluyan sa mga kasama ko at nagpakawala ng counter attack sa kapangyarihang bumabalot sa kanila.
Halos bumagsak at mamilipit sila sa sakit ng ulo nila pero kailangan kong gawin to.
Guys konti nalang!!~
KLINT's POV
"AHHHHH!" ano ba yan ang sakit sa ulo!!...parang binibiyak ang bungo ko!
Blag!!
Napadilat ako nang makita kong tumama si Iza sa puno dahil sa pinakawalang sipa ng isang lalake na naka itim na jacket.
YOU ARE READING
The Successors (Magic World's Next Hope)
Fantasy"Five Cities, Five Successors, One Mission, One World." Payapa ang buong Magic World hanggang sa nakuha ng isang makapangyarihang nilalang ang "Ancient Gem" kung saan ito ang nagbabalanse ng kabuoan ng Magic World. Dahil dito, nag decide ang Magic C...