THIRD PERSON's POV
"Three!"
Sigaw ni Seth bago niya tuluyang tanggalin ang force field na pumuprotekta sa kanila na sinisira ng kaniyang kawangis.
Agad siyang sumugod sa kaniyang kawangis habang ang apat niyang mga kasama ay gumawa ng pag atake na hindi na bibigyan pa ng pagkakataon upang magising ang kanilang kawangis..............
....
....
........
.............ngunit sila ay nagkamali.
BRENT's POV
"Three!" hudyat ni Seth.
Tumakbo ako ng mabilis sa aking kawangis kasabay ng pagiging diamante ng aking anyo.
-Kailangan na naming makalabas dito!-
Pinatalim ko ang aking mga kuko at itinama ito sa kaniyang leeg. Itinagos ko rito ang aking kamay at hinugot din agad.
-Shit! Bakit di pa rin siya tumutumba!?-
Pinatamaan ko ang kaniyang uluhan ngunit isang malakas na pwersa ang nagpaatras sa akin.
Naging ala-diamante ang kaniyang katayuan. Para siyang pulang kristal na nanlilisik ang mga mata sa akin.
Sumugod ito sa aking kinatatayuan at nakipag tagisan ako sa kaniya ng mga sipa, suntok at mga pag atake.
-Ang bilis niya! May kahinaan dapat sila, mayroon dapat! Shit!-
"Whoa!! Aiist!!" pang gagalaiti ko nang matamaan niya ako sa ulo at napabulagta sa lupa.
Bago pa ako makatingin sa kaniya at makatayo sa pagkakabagsak, nakaramdam ako ng matulis na bagay na bumaon sa kanan kong braso. Bumalik na pala ako sa tunay kong anyo.
"Ahhhh!" sigaw ko nang maramdaman ang sakit.
Binaon ng aking kawangis ang kaniyang mga kuko na diamante sa aking kanang braso.
Ikinilos ko paatras ang aking kanang braso para makawala sa matalim niyang mga kuko at sa isang iglap....
-Sabi ko na nga ba may kahinaan din kayo.-
Naging isang makintab na pulang alikabok ang aking kawangis at pinalibutan ako nito.
Maya maya pa ay nasa tapat na ako ng pulang puno, ang pulang puno na palatandaan na nakalabas na sa Lair of Reflections.
"Guys!....-" patakbo kong takbo papunta sa kanila.
Napatigil ako nang hindi na ako makapunta sa pabalik sa mga kasama ko, bumabalik at bumabalik lang ako sa tapat ng pulang puno.
-Kailangan na din nilang makalabas!-
"Guys!! Kailangan nating masugatan para maglaho na sila! Sugat na galing sa kanila!" sigaw ko sa aking mga kasama na kasalukuyang nakikipaglaban sa kanilang mga kawangis.
SETH's POV
-Depensa, Atake, DEPENSA! ATAKE! Paano ka ba mapapasuko!!?-
"Guys!! Kailangan nating masugatan para maglaho na sila! Sugat na galing sa kanila!" sigaw mula sa di kalayuan.
YOU ARE READING
The Successors (Magic World's Next Hope)
Fantasy"Five Cities, Five Successors, One Mission, One World." Payapa ang buong Magic World hanggang sa nakuha ng isang makapangyarihang nilalang ang "Ancient Gem" kung saan ito ang nagbabalanse ng kabuoan ng Magic World. Dahil dito, nag decide ang Magic C...