Unlove By The One You Love
© originally wrote by : DropDownByMyGravity
I LOVE YOU LIAR
Ashtrid's POV
Lagi na lang bang ganito? Lagi na lang ba kaming mag-aaway ng ganito? Tsk, kakasawa na, nakakasawa na sa 'twing mag-aaway kami nilulunok ko na lang parati tong pride ko buti nga at hindi pa bumubula tong bibig ko. Kaso wala e, sanay na ko. Pero bakit ba kahit sawang sawa na ko bakit ba hindi ko sya magawang iwanan.
Dialing: babylove...
"Babylove?" tawag ko sakanya.
"Oh ano? Ba't tumawag ka pa? Ano pa ba gusto mo?" dinaig nya pa ko magreact. Parang ako pa yung may ginawang masama.
"Sorry na babylove. Hindi na mauulit, hindi na ko magagalit." I apologized kahit wala naman akong kasalanan. Kahit wala naman akong ginawang mali. Ako pa din tong nagsosorry, osige na ako na ang tanga. Na kahit nakita ko sya sa akto na nakaakbay sa babaeng mukang palaka na yun, nagsosorry ako. Hindi ako bulag kitang kita ko with my 4 eyes dahil naka-reading glass ako sa kadahilanang malabo ang mata ko. Tinanong ko lang naman sya e, kung nasaan sya ng 2 pm at kung sino ang kasama nya pero sa kasamaang palad nagalit pa sya tigas ng mukha e, pinagbibintangan ko pa daw sya. Nagsinungaling pa ang gago, huling huli ko na naman sa akto.
Flashback..
Dialing: babylove...
"Babylove nasaan ka kanina? Sino kasama mo?" tanong ko pagkakita ko sakanya sa may park, tinawagan ko sya habang nakikita ko sya na naka akbay sya sa babaeng palaka. Likod palang nya alam ko na.
"Nasa bahay na ko kanina, kasama ko sila mama malamang." sabi nya na parang naiirita sa mga tanong ko.
"Talaga baby nasa bahay ka lang talaga?" paninigurado ko, alam ko naman na magsisinunangaling lang sya pero baka sakaling sabihin nya pa rin ang totoo.
"Oo. Ano ba yang mga tanungan mo? Anong kala mo sakin nag gagala ng katirikan ng araw at sino naman kasama ko? Ayan ang mahirap sayo eh, masyado kang praning kala mo laging may ginagawang masama." sabay off ng phone. Ay tarantado talaga wala naman akong binibintang nagtatanong lang ako ganun agad makareact? Tsk tsk
End of flashback..
Napabuntong hininga na lang ako sabay end call kahit kausap ko pa si Sandrix. Nabatukan tuloy ako ng bestfriend ko na malaki ang galit sa mga tangang kagaya ko.
"Aray naman bhes." hinimas ko yung parte ng ulo kong binatukan nya.
"Pwede ba Ash makipag-break ka na dyan sa gagong Sandrix na yan. Parang awa mo na for heaven sake pleasssseee." eto nanaman sya nagmamakaawa sakin na hiwalayan si Sandrix. Kung hindi ko lang boyfriend si Babylove iisipin ko may gusto sya dun eh. Lagi nya tong ginagawa at ewan ko ba kung bakit parang wala atang sawa tong bestfriend ko sa kakasabing iwan ko na ang boyfriend ko. Tama naman sya e walang kwentang tao ang boyfriend ko. MASAMA UGALI, MAYABANG, WALANG KASWEET SWEET SA KATAWAN, BABAERO AT WALANG PAKIELAM SA FEELINGS NG IBA. Ou nga bakit nga ba kailangan ko ipagsiksikan ang sarili ko sa taong yun, I admit gwapo sya, gwapong gwapo sobra at sikat pero hindi naman yun ang dahilan ko kung bakit kahit hirap na hirap na ko sa sitwasyon ko sakanya ay hindi pa rin ako agsasawa sa ugali ng lalaking yun.
First love ko kasi si Sandrix at oo OBSESSED ako sakanya kaya nga masaya ako na naging kami kahit feel ko hindi nya ko gf kung ituring, umaasa din ako na balang araw magbabago sya, na mapag babago ko sya, na mamahalin nya rin ako. Which I think is impossible. NAPAKA IMPOSIBLE.