Unlove By The One You Love
© originally wrote by : DropDownByMyGravity
ASHDRIX
Continuation..
Ashtrid's POV
Two weeks to be exact after ng monthsary namin ng baby love ko. Yeah it's two weeks to be exact simula ng matanggap ko tong teddy bear na bigay nya I love it very much, dahil bukod kasi sa favorite color ko to well it's from him too. Shempre mahal ko lahat ang bagay na galing sa pinakama-mahal kong boyfriend. I'm a weirdo,crazy and stupid girl I know. Well I must admit it dahil totoo naman. Nakakatawa lang dahil 2 weeks na ang nakalipas pero ang saya saya ko pa rin ngayon nga nadedepress ako eh but everytime I'm looking at this green teddybear he gave, lahat ng badtrip ko nawawala, it's my stress reliever.
Kumbaga para syang smile ni Sandrix babylove ko makita ko lang, nabubuhay na ang katawang lupa ko. It's putting me on the mood.
Kung nagtataka kayo kung bakit nabanggit ko na badtrip ako well it's just because inaway na naman ako sa mga epal na palaka kong schoolmates, pasimunuan ba naman ng napaka-epal na si Alliyah Mendez, ewan ko lang kung hindi kaya mababad mood. Ewan ko ba naman sa babaeng yun at napaka papansin. Nakakainis dahil everytime I see her face, nakakabadtrip, ANNOYING FACE OF A FROG. Exaggerated ba? Totoo naman eh ganun ako pag naiinis dinadaan ko sa talak, hindi ko naman maipapakita ang badtrip ko dahil hindi naman ako marunong lumaban. Pag bwisit ako sa isang tao kahit hindi naman mukhang palaka tinatawag kong palaka.
Flashback..
Naglalakad ako sa corridor ng biglang may nangalabit sakin. Mga bwisit na yan kalabit ng kalabit. Tsk.
Paglingon ko nakita kong si Oren pala ang nangalabit sakin. Ayun kwentuhan dahil sa pareho naman kami ng pupuntahan English club sya pupunta at ganun din ako dahil pareho daw kami ng club na sinasalihan. Medyo nakakapanibago nga dahil nakangiti sya lagi at parang masyadong masaya, actually tanggalin ko na yung word na "parang" dahil masaya talaga sya. Ano naman kayang nakain nito at makangiti parang walang bukas and imagine kinakausap nya ko parang nung nakaraan lang ang sungit sungit nya sakin tapos after two weeks ganito na nya ko ulit ako kausapin?
"Bakit parang ang saya saya mo ata?" tanong ko sakanya dahil naweweirdohan na talaga ko sakanya.
Sumimangot sya sabay tanong "Wala masama bang maging masaya?"
"Hindi masama pero pag masaya ka kasi parang nakakapanibago. Nevermind na nga lang." sabi ko at dineretso ang tingin sa tinatahak naming corridor.
"Hindi noh? Malinaw nga ako ngayon eh, so whats up duck." tumawa sya at ginulo ang buhok ko. Really what's up with him being this jolly?
Napangiwi ako sa kulit nya. "By the way, may activity ba tayo sa club ngayon?" tanong nya.
"Meron ata? Magsusulat daw ng 20pages back to back biography ng buhay ng starfish?" biro ko habang seryosong nakatingin sa hallway.
"Ayy. Hindi nga?" tanong nya ng nakanganga. Natawa ako sa reaction nya sa joke ko maski ako natatawa eh, imagine to research the biography of starfish. Abnoy naman tong si Oren naniwala.
"Yup, bawal daw magresearch thru google dapat daw tayo yung mismong magiinterview sa starfish." pag sineryoso nya pa to kukutusan ko na talaga sya.
"Eh pano yun di naman nagsasalita yung starfish?" napaawang ang bibig kong hinarap. Really kala ko ba matalino to?
Natawa naman sya bigla sa reaction ko at ginulo ulit ang buhok ko. "Of course alam kong nagbibiro ka, baliw ka talaga. But at least di ka crying baby this past few days. That's great. Sige mauna na ko sayo." teka kala ko ba pupunta sya sa club?