Unlove By The One You Love
© originally wrote by : DropDownByMyGravity
The reasons..
Continuation..
Untold story of Magi & Azie..
--
Magi's POV
Tulad ng nasabi ng author na hindi ko alam kung anong chapter yun, basta nakalimutan ko na. Magkababata kami ni Azie, hindi lang magkababata magbestfriends kami, pero noon yun? Bakit hindi na ngayon? Simple lang, may nagawa kasi syang lubhang kinagalit ko ng sobra.
Gusto nyo malaman kung ano yun at bakit nalang ganito ako kagalit kay Azie to the point na gusto ko ng agawin si Ashtrid sakanya? well actually naka move on na ko sa bagay na talagang sanhi ng pagka galit ko sakanya, hindi na din ako ganun kagalit sakanya di kagaya noon pero dahil sa mga nangyayari ngayon hindi ko man gustuhin na mangielam sa buhay ng dati kong matalik na kaibigan nagagawa ko, naiinis naman ako pag sya mismo ang nagsasangkot sa sarili nya para mapahamak? Concern? Oo I admit concern pa rin ako hindi na mawawala yun naging magkaibigan pa rin naman kami di ba pero at the same time naiinggit ako sakanya. Bakit ako naiinggit? Bakit nga ba?
Hmmm? Dahil lahat nalang ng nagugustuhan ko sya ang gusto. Una si Matthew, sumunod si Sandrix. Who's Matthew?
Flashback..
7 years ago..
When I was 11 years old may nakilala akong isang batang lalaki, gwapo, mabait lahat ng positive traits pwede mong ipuri sakanya dahil totoo naman. Taga subdivision din sya at kalilipat lang daw nila kaya noon ko lang sya nakita.
Hindi naman sila kasing yaman ng pamilya namin nasa middle class naman ang pamilya nila. Pero walang wala ang mayayamang bata sa lahat ng katangiang meron sya.
Nagkakilala kami sa park sa loob din ng subdivision. Nakasakay ako sa seesaw walang kalaro hindi pa kasi bumabalik si Azie galing sa bakasyon nila ng family nya. Nagulat ako ng biglang kinausap nya ko from my back.
"Bata?" tawag nya sakin.
Sa gulat ko. Napa. "Ay butiki." ako ng hindi lumiligon sakanya.
Nakangiti syang nakapout at sinabing "Di naman ako butiki eh."
Na mesmerized ako sa itsura nya, though nainis ako kasi nga nanggugulat sya?
Nginitian nanaman nya ko. "Sorry kung nagulat kita ah. Napansin ko kasi na ikaw lang mag isa dito sa seesaw eh parang ang gara naman how can you able to go up if no one's there?" englisero. Pero oo nga naman, teka nakikipagkaibigan ba sya sakin kaya nya ko kinakausap?
Nakatitig lang ako kay Matthew habang sinasabi nya yun. Masyado namang pakielamero tong poging batang to. Napakunot noo ako, hindi nya ba alam yung mind your own business nag-e-emo ako dahil wala bestfriend ko eh, pake ko ba kung hindi ako aangat mag isa dito.
Pero pinaglihi ata sya sa happy thoughts dahil kahit sinimangutan ko na sya nakangiti pa rin sya sakin. "Kung gusto mo laro tayo dun ako sa kabilang side."
Hindi ako sumagot. Pero wala eh, madaldal talaga sya.
"Kakalipat lang namin dito last week, wala akong kaibigan o kakilala man lang. Kung okay lang sayo pwede ba tayong maging friends, wag ka sana tumanggi mabait naman ako eh kaya friends na tayo ah." hala pinilit ako? Di naman ako tatanggi eh kahit hindi sya mamilit kakaibiganin ko pa rin sya si Azie lang naman kasi ang kaibigan ko at hindi masama kung maging dalawa sila.