C19 >

118 5 0
                                    

Unlove By The One You Love
© originally wrote by : DropDownByMyGravity

Thanks to their help

Oren's POV

Simula ng araw na na-trap kami ni Ashtrid at humingi sya ng favor na iwasan ko sya para akong baliw ma sumunod lang, it's hard for me to understand why she ask me that favor. Tanga ako dahil sinunod ko ang gusto nya. Pero siguro nga space lang ang kailangan ko para pag isipan ang lahat. Miss na miss ko na sya sobra.

"HOY NERON!" singhal ni Katty sa tenga ko. Peste ang sakit sa tenga! Wala talagang manners tong babaeng to, parang hindi babae kung makasigaw.

Umupo sya sa tabi ko kaya lumayo ako sakanya. Sinusundot ko pa yung tenga ko dahil sa pakiramdam ko nabibingi na ko. "Tulala ka? Sino ba iniisip mo?" napakunot ang noo kong tinignan sya ng masama, pero maya maya ay suminghap ako. "Wala akong iniisip." nakalimutan kong magkadugtong nga pala ang buhay namin nito kaya pag naramdaman kong medyo malungkot ako naaapektuhan din sya. Ang pinagtataka ko nga lang bakit parang masaya pa sya at hindi nalulungkot kagaya ko?

"My dear twin brother ako pa ba lolokohin mo? I know when you're thinking about something or.. someone." nag kibit balikat nalang ako. Tumayo na ko at paakyat na sana ng hagdanan ng mapahinto ako sa sinabi nya.

"I wonder why umiiwas sya sayo? Maybe she really thinks that I'm your girlfriend." nag smirk sya ng nilingon ko. Oo nga noh? Hindi kaya ayun ang dahilan kung bakit nya ko iniiwasan? Posible kayang gusto nya din ako? Pero hindi kaya assuming lang ako at iniisip ko lang na ayun ang dahilan nya? Psh! Asa. Ayaw nya sakin kaya umiiwas sya wag kang assuming Neron.

"She's a big moron believing that I'm your girlfriend. Hindi ba tayo magkamukha kaya hindi nya nagets? She's dense." umarte pa syang naiinis sya. Psh! "You made her believe that. Kahit sinong madikit sakin pagkakamalang girlfriend ko. Bwisit!" hahakbang na sana ako ng nilingon ko sya.

"Don't call her moron again."

Tumawa naman sya. "I bet Inlove sya sayo." napahinto nanaman ako sa paghakbang.

Napasinghap ako. "That won't happen."

"Then why would you think that?" nameywang pa syang tinignan ako.

"Baka ayaw nya lang talaga sakin at masyado na syang nahihiya. Don't over think things Katrina, she's still inlove with your cousin." humakbang na ulit ako at nakarating sa last step.

"I guess not. Di mo kasi alam ang nature ng mga babae Neron, we distant ourself to stop the pain. Especially when we're inlove with someone.. na may iba ng gusto, na may girlfriend."

"Whatever." humakbang ako papunta sa hallway papunta sa kwarto ko.

**

"Iniisip nya talaga yun? Posible kaya yun?" napabuntong hininga nalang ako. Don't over think Neron. Napatalon ako sa kama ng may kumalampag ng pintuan ko.

"By the way, sinabi ko lang sakanya na girlfriend mo ko dahil gusto ko malaman kung may gusto din sya sayo. At sa reaksyon palang ng mukha nya ng sinabi ko yun, I'm sure she's inlike and inlove with you." walangyang babae yan wala talagang manners. Narinig kong humihina na ang mabibigat nyang yabag sa harap ng pintuan ko.

Lumapit ako sa pinto ng kwarto ko at akmang bubuksan ang pinto.. Dinantay ko ang likod dito at bumuntong hininga. "Weh? Hindi nga?"

Lumabas ako ng kwarto ko at dumeretso sa garahe, sumakay ako sa kotse para makapunta sa university, wala naman akong pasok ngayon pero si Ashtrid meron and I need to talk to her.

Pero pag daan ko sa field, may nakita akong tanawin na nakapag disappoint sakin.

Azie's POV

Unlove By The One You LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon