Unlove By The One You Love
© originally wrote by : DropDownByMyGravity
Fake Affection
Continuation..
Sandrix's POV
Habang tinitignan ko ang wristwatch na bigay sakin ng "girlfriend" ko hindi ko pa rin maiwasang hindi mabadtrip. Maganda naman yung relo, mukhang mamahalin at elegante pag suot ko pero hindi ko pa rin gusto to, lalo na yung may bigay nito. Masama na kung masama ang ugali pero ewan ko ba kung bakit hindi ko mabaling sakanya yung pagmamahal ko like Azie want me to do. Nandito na ko sa bahay nag-alliby na lang ako para hindi na magtanong ng magtanong si Ashtrid at makatakas na ko sa presensya nya. Tinanggal ko yung wristwatch na bigay nya, nilagay sa box na lalagyanan nito at kinuha yung lumang relo na suot ko bago isuot ni Ashtrid sakin hindi yung regalo nya, hindi kasi ako komportable sa bigay nya, di naman nya dapat ako binibigyan ng regalo lalo na kung mamahalin pa.
Kung alam lang nya ang lahat for sure na hindi na sya mag-eeffort para bumili ng ganito kamahal.
Message Fr: Azie
- Salamat at ginawa mo yung sinabi ko. Ingatan mo yung regalo nya sayo 2,999 yan, isuot mo parati para hindi naman magtampo sayo.
Hindi na ko nagreply sa text nya. Mas mabuti na yun hindi na magreply kaysa magtalo nanaman kami. Nakakainis, I'm like a dummy na kinokontrol dahil alam nyang susunod ako sa lahat ng gusto nya, ngayon lang ako nagkaganito sa babae sa tanang buhay ko, ang maging sunod sunuran sa babaeng mahal na mahal ko, umaasa na pag ginawa ko kung ano ang mga gusto nya magustuhan nya din ako pero nakakainis naman, under nga yata nya ko pero hindi naman sya ang girlfriend ko kundi ang bestfriend nya. Hindi ko naman masisisi kung mas mahal nya yun kababata at parang magkapatid na sila, samantalang ako kelan nya lang ba nakilala.
Nakakainis na sitwasyon to bakit kasi sakin pa may gusto si Ashtrid? Imbes na may chance ako kay Azie wala tuloy dahil mas iniintindi nya ang nararamdaman ng bestfriend nya.
Iniisip ko tuloy parati. Pano kung hindi ako yung gusto ng bestfriend nya? Magugustuhan nya ba ko?
Kinabukasan nakita ko si Azie na nakaupo sa may gilid ng track field kaya lumapit ako, mula sa likuran nya tinanggal ko yung earphone nya at tumabi sakanya.
"Ayy?" tinignan nya ko at nag iwas ng tingin.
"Hi? Himala di mo ata kasama yung bestfriend mo?" tanong ko.
"Ahh, yung girlfriend mo? Wala absent." simpleng sabi nya habang nakatingin sa field.
Hindi ko nalang inintindi yung sinabi nya. Dahil alam ko naman na ako nanaman yung magmumukhang masama. "Suot ko nga pala as you said." inangat ko yung watch at ipinakita sakanya.
"Good. Mukhang nagustuhan nya yung regalo mo ahh." nakangiti nyang sabi. Napailing nalang ako.