Unlove By The One You Love
© originally wrote by : DropDownByMyGravity
Searching for something
Continuation..
Ashtrid's POV
I can't help myself not to feel this something, nandito ako ngayon sa park nagmumuni muni nag-iisip isip ng kung ano-ano, napapraning na ko. Hindi ba pwedeng magkaroon ng park na walang lovers, inggit na inggit na ko dito ehh, nakapikit na nga lang ako para walang makita ng mga nag PDA, bakit ba nababaliw na ko?
Nagsasawa na nga si Azie sa kaka Sandrix ko eh, Sandrix here, Sandrix there and sandrix everywhere, every second, every minute, every hour of everyday of every weeks at every week of a month for tommorow. Hala 17 na pala bukas at mag one month na kami ni babylove. Tinawagan ko agad si Azie para sabihin na bukas ang monthsary namin.
Pero ang ganda naman ng bungad nya sakin ng sabihin ko ang balita. "Eh ano naman? Narealize mo ng mag one month na pala kayong ganyan? At 1 month ka na nyang pinagmumukang tanga ganun?" reklamo nya.
"Ikaw naman oh, panira ka best special day namin ni babylove ko bukas eh, wag mo na ko talakan kahit ngayon lang puleasee?" with matching pout pa yan ah.
"Oh ano plano mo?" tanong nya.
"Wala pa nga eh, help me think." cheerful kong sabi.
"Wag na sayang lang effort ko noh, magmumuka ka lang din tanga at isa pa bakit ba ikaw umiisip ng way at plano? you're the girlfriend here and not him, you should be relaxing now and let him do what his responsibility is, wag ka ngang masyadong baliw. Kababae mong tao ikaw pa tong gagawa ng effort." nagmemake face ako habang kinakausap sya.
"Tinggin mo ba gagawa ng yun ng way?" tanong ko sarcastically.
"Hindi?" patanong nyang sabi.
"Oh di ba kaya tulungan mo na ko please please best please?" kulang nalang magpapadyak ako mapilit lang sya.
"Malay mo naman di ba may gawin sya? Tsaka anong tulong naman gagawin ko aber. Wala kong alam dyan." wala daw alam, ayaw nya lang talaga ayaw pa sabihin.
"Tulungan mo lang naman akong pumili ng ireregalo ko eh." maktol ko.
She just hissed and I bet she's annoyed. "No way, ikaw tong babae ok. Wag mong gagawin yan nako." kahit nagsasalita pa si Azie ay in-end call ko na yung tawag, medyo naririndi nanaman kasi ako sa ingay masyadong kontra pelo sa gusto ko pwede bang maging supportive bestfriend naman sya sakin kahit minsan? Bakit pa kasi ako tumawag kay Azie eh ayan tuloy parang nabad vibes ako.. Bahala na nga, samahan man nya ko o hindi bibili pa rin ako ng regalo para sa babylove ko, it's our special day tomorrow.. hopefully hindi sya badtrip or so whatever sakin bukas.
Napadaan ako sa isang simbahan at huminto sa labas nito para mag sign of the cross at magdasal sandali. Akmang aalis na ko ng maisipang kong pumasok sa loob at magdasal.
"Lord pagbigyan mo ang aking dasal, umayon naman po kayo sakin maykapal. Maging mabait naman po sana sa akin ang akong babylove kahit bukas lang. Mabait naman po ako diba sana pagbigyan nyo na ang aking dasal. AMEN."
I decided to go back to the park where I went half an hour ago, hindi para mainggit ulit sa mga PDA kundi dahil kailangan ko humanap ng idea kung ano ang ireregalo ko by means of those couples na napaka sweet sa isa't isa. Observe, observe, observe. Kaka-observe ko may nakita akong hindi kanais nais. "EEEEWWWWW!" napatalikot ako sa nakita ko, there's a couple making out sa katirikan ng araw, pasimple pa dun sa may likod ng puno?? GROSSSS wala ba silang pang motel? Tinakpan ko ang mata ko habang tumatakbo palayo. "Nakakadiriiii, nakakadiriiiii!" out of disgust, bigla akong may nabunggo.