C21 >

117 3 0
                                    

Unlove By The One You Love

© originally wrote by : DropDownByMyGravity

Listen Stupid

Azie's POV

"WHAT?!?" bulyaw ko.

"Narinig mo naman bhes eh." naka poker face nyang sagot. I just can't believe things like that. Kung hindi lang sya broken hearted ay baka nakutusan ko na sya, pero grabe naman kasi si Oren, kaya ba hindi sya nagpapakita o nagpaparamdam sa bestfriend ko ay dahil akala nya eh sila ulit ni Sandrix, shoshonga shongang Oren hindi muna magtanong bago mag conclude tungkol sa mga bagay bagay umiiwas agad. Bakit ba ang ganda ganda mong Ashtrid ka at masyadong magulo lovelife mo.

"Bhes anong gagawin ko? Bakit ba ganun si Oren." ngal ngal nya pa. Ewan ko hindi ko rin alam kung bakit. Napakatanga ng lalaking yun.

"Eh kasi bestfriend baka masyado kayong close ni Sandrix pag nakikita kayo ni Oren. Tsaka bakit ba ang kitid ng utak nun? I thought he loves you so much pero bakit ganun sya?" argh ang gulo. Maski ako naiinis na. At ayan po sya nag eEMO habang dinadial ang number ni Oren for the nth time, pero lagi naman nirereject ang tawag nya, poor Ash, kung kelan naman magkakaaminan na sana tsaka nagkaganito.

Magi's POV

Ang boring. Paano mas may kwenta pa kasing intindihin ang ASHREN couple kaysa dito sa subject na 'to.

Kamusta naman si Oren at hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusulpot o kumontact man lang?

Lagi nalang  akong tinetext ni Ashtrid na contakin ko daw ang magaling na halimaw para magkausap sila but how maski yata sakin ay nagtatago talaga sya. Pauwi na ko samin, wala naman gagawin dito sa school, wala naman play na gagawin for drama club at magbabakasyon na din naman by next month.

Nakauwi na ko lahat at iniisip pa rin kung saan posibleng pumunta ang halimaw. Frustrating Oren. Pati ba naman sakin nagtatago ka?! May kumakatok sa kwarto ko pero ayokong buksan dahil wala ako sa mood kumain.

"Walang tao, umalis, tulog, nasa ilalim ng lupa!" sigaw ko.

Pero may kumatok ulit.

"Tsk! ANO BA YUN!" sigaw ko ulit. I know ang harsh ko. Pero damn it ang kulit kasi. Tumayo na ko para buksan yung pinto, ano ba naman kasi at ang lakas mang istorbo ng kung sino man to.

Wala ako sa mood ng bukas ko ng pinto. "O-oren?" kinusot ko pa yung mata ko baka kasi namamalikmata kasi ako.

"Hindi hindi ako si Vice Ganda." deretso syang pumasok sa kwarto ko, laglag pa rin ang panga ko. Nabalik na rin ako sa katinuan ko bago ko marealize na si Oren nga talaga yung pumasok. Tumutunga sya ng hawak nyang canned beer at matamlay na inalok ako.

"Inom tayo." sabi pa nya.

"Ayoko. Teka saan ka ba nagmula at ang tagal mong nawalang hayup ka?" nakapameywang pa akong lumapit at tumabi sa kanya.

"Sa MOON!" ginesture nya pa yung kalokohan nya kaya napingot ko na. Pilosopo!

"YUNG MATINONG SAGOT GAGO! Aba't ang tikas mo kaya mo na buto mo! Huh! Huh!" tinignan nya lang ako ng masama. Problemado?

"Problema mo ba at ngayon ka lang lumitaw?" I know what happened tinanong ko lang talaga for confirmation.

"Wala." sabay irap.

"Bhes yung matino?!" inalog alog ko pa sya.

"Alam mo naman kung sino problema ko tinatanong mo pa? Tsk." tumungga ulit sya. Oo nga naman Magi, tinatanung mo pa. Alam mo namang si Ash ang laging problema nya.

Unlove By The One You LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon