Unlove By The One You Love © originally wrote by : DropDownByMyGravity
I'm Not Affected
Continuation..
Oren's POV
Nandito ako ngayon sa NAIA at hinihintay si Katty, ang babaeng yun talaga masyadong pa importante, mabuti nalang at importante talaga sya at sinusundo ko..
Dalawang oras na kong nandito. Nasaan na kaya yun? Baka naman nahulog na yun sa eroplano kaya hanggang ngayon wala pa rin?
Katty, yoohoooo, bored na ko dito ahh. Para akong baliw na nagpapapadyak dito sa kinatatayuan ko.
"Bulagaaaaa!!!!" at ang baliw napahagikgik na. Pasaway na to.
"Two hours mo kong pinaghintay, ganda mo talaga?" ginulo ko yung buhok nya sa inis ko. Nakipagkulitan lang sya habang papunta kami sa kotse. Psh bwisit na babae to daig pa ko, parang ako pa matanda sakanya dahil sa sobrang childish nya.
"So how's Margarette?" tanong nya habang inaayos ang seatbelt.
"She's fine." sabay tango.
"Bring me to her may ibibigay ako dun eh.."
Umirap lang ako. "Mamaya na nasa school pa yun. Wag kang makulit."
"Dali na, punta na tayo dun." so childish parang hindi ahead sakin ng 20 minutes. Problema nito talaga at dahil nga pilit sya ng pilit na halos ichant nya magdamag yung 'Punta na tayo.' eh pumayag na ko.
Nandito kami sa university ngayon naglalakad sa hallway, kulit naman kasi nitong pusa na to ayaw paawat, mahirap naman pag hindi sumunod hindi kana titigilan, mag iiskandalo pa. That's why I hate it when she's asking for a favor dahil ang hirap nyang tanggihan. Kahit ayaw mo no choice ka.
Three hours pa bago ang labasan ng bestfriend kong loka loka, ang boring kaya dito sa university tapos kasama ko pa tong makulit na to. "Hoy Neron! Anong oras lalabas si Margarette?" napakamot nalang ako. God she's so irritating! Megaphone ang boses, iskandalosa tapos parang bihirang lumabas ng lungga dahil sa pagiging ignorante. So pissing.
"Wag kang magulo nakakahiya ka, mamaya pa kasi yun eh, three hours pa klase nya mamaya pang 5 pm labasan nila. Ang atat mo kasi." tumango tango naman sya at nagtitingin tingin sa paligid.
"Mamaya na kasi kayo mag usap ni Magi, tsk boring dito eh. Pupunta naman tayo sa bahay eh."
"Hehh! Wag ka ngang epal Neron hihintayin natin sya."
"Stop calling me Neron, Katrina?!" nauna akong naglakad sakanya dahil nakakabanas naman na talaga. Kung di ko lang kapatid to.
Wala parin kaming tigil sa pag babangayan nitong pusang to habang naglalakad sa hallway.. Then someone bumped me.
Nabangga ni Ashtrid si Katty,
"Sorry miss hindi ko sinasadya, di kasi ako nakatinggin sorry, talaga sorry."
Handa na sana syang magtaray pero huminga sya ng malalim. "You bumped me, nangyari na mabababawi mo pa bang nabangga mo ko?" she just used her calm voice?
"Ah-eh, O-oren andyan ka pala.. Sorry talaga sa nagawa ko miss." nag bow pa sya ng bow.
"Okay lang yun." sabi ko.
Nakatingin si Ash kay Katty na para bang tinatanong kung sino ang kasama ko habang si Katty naman nakataas ang kilay na tinitigan sya.
"Ahh si Katrina pala.." Katty cut my words and the next thing she said made my eyes grew big.