C3 >

169 4 0
                                    

Unlove By The One You Love

© originally wrote by : DropDownByMyGravity

Anything For My BestFriend

Continuation..

Ashtrid's POV

'That's how much I love you (yeah)

That's how much I need you (yeah, yeah, yeah)

And I can't stand you

Must everything you do

Make me wanna smile?

Can I not like it for awhile?

No...'

Nagsasoundtrip lang ako while walking here at the long corridor of one of this university's building.

'but you won't let me

You upset me girl

then you kiss my lips

All of a sudden I forget

that I was upset

Can't remember what you did.

But I hate it '

Napapapikit akong sinasabayan ng pagpitik ng daliri at pagpadyak ng paa ang kanta.

'You know exactly what to do

So that I can't stay mad at you

For too long, that's wrong

But I hate it

You know exactly how to touch

So that I don't wanna fuss and fight no more

So I despise that I adore you

And I hate how much I love you boy (yeah)

I can't stand how much I need you (I need you)

And I hate how much I love you boy (ooh)

But I just can't let you go

And I hate that I love you so..'

This song really fits for me, well for us to specify. Pang 80th times ko na atang napatugtog to ngayong araw, grabe naman kasi makakaadik yung lyrics pero parang para sakin lang to at walang kaduet. Nakakainis naman kasi eh, I want to refresh my mind from the stress given by Sandrix, masyado nya na kong nasasaktan. Pero ewan ko ba maski kasi sa kanta naaalala ko sya eh.

"Ui bestfriend? Ano? Ano na?" tanong nya, kinalabit lang ako ni Azie dahil nga sa naka-earphones ako at sobrang lakas ng sounds na halos wala na ko sa planetang earth sa sobrang lutang ng isip ko eh hindi nya na ko makausap. Pag-inaalis nya yung earphone ko ibinabalik ko din agad, wala kasi ako sa mood makipag-usap kahit pa sa bestfriend ko eh puputakan lang naman kasi ako neto. Nakakabingi kaya pag paulit ulit sya. Pero habang naglalakbay ang utak ko, napansin ko sa side vision ko na nag pout sya while saying something na hindi ko maintindihan dahil nga sa lakas ng music, maski lip reading din hindi ko magets. Problema naman nitong babae na to? Ako lang may karapatang magdrama dito noh hindi sya, sa ganda, sexy, talino at yaman ba naman nya magkakaproblema ba sya? Oh com'on total opposite nga kami kung tutuusin eh ano ba ko isang hamak na 4 eyed geek na inlove na inlove kay Sandrix.

Azie's POV

"Sorry best, I don't even think this is going to happen." kala ko naman sasaya ka, mas nalungkot ka pa pala, lalo lang tuloy akong naiinis sakanya I hate him, I hate you Sandrix.

As I see my bestfriend everyday mas lalo akong naawa sakanya. Bakit ba kasi napaka obsessed ng bestfriend ko sa lalaking ako naman ang gusto. Oo, ako ang gusto ni Sandrix pero ayoko sakanya, sobrang ayoko sa kanya. Kaya nga ng malaman kong gusto sya ng bestfriend ko este mahal pala sya ng bestfriend ko. I decided to push him away to be with my bestfriend even on a dare.

Flashback..

"Hayaan mo na kong manligaw sayo, I'll do everything just for you to let me." kinukulit nanaman nya ko nakakainis, pero dahil dun sa pangalawang sentence na sinabi nya parang naglighten yung aura ko. Everything?

"Everything?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes everything you want. So please??" with matching puppy eyes pa sya. Bakit ba nagmamakaawa sya ng ganito sakin. Nakakainis feeling ko tuloy ang sama sama ko sa harap mga taong nakakakita samin ngayon. May pumasok sa isip ko, a very not great idea but I know my bestfriend will like, well kung hindi nya malalaman.

"Everything you're sure? Baka mag back-out ka sa ipapagawa ko sayo?" naka titig ako sakanya habang sinasabi yun.

"As i said lahat, kahit ano, kahit tumambling ako dito, ask me to run in this campus naked pero half lang ah, wag hole nakakahiya eh, kahit ano please?" pagmamaktol nya pa, kahit naiinis ako sakanya, his idea make me think of something that can make my bestfriend happy. 

"Sige. Hindi ka aatraas sa ipapagawa ko di ba?" paninigurado ko.

"Oo nga hindi." ay badtrip?

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "I want you to court Ashtrid."

"A--- e---" he stammered.

"I o u, ba be bi bo bu? Ano abakada tayo? Balik grade 1 gusto mo?" pang aasar ko.

"W-wag naman yun below the belt na masyado yun eh, ikaw gusto ko bakit pinaliligawan mo si Ashtrid sakin?" sabi ko nga magrereklamo sya. Eh di ba sabi nya lahat?

"Hindi ba sabi mo di ka aangal? eh ba't ang dami mong question?" psh nakakainis.

"Eh kasi.. kasi naman eh." kakamot kamot nyang sabi.

"E kung ayaw mo edi wag. I will go straight to the point Sandrix I don't love you, not even like you, you're not my type, presko ka, mahangin ka, electric fan ka, aircon ka at kung ano ano pa. You're humilliated? Well dapat hindi 'cause that's the truth. I dare you to be with my bestfriend because I want to see if you have one word, if you have that effort, that will to accept what I ask you to do. Oobserbahan kita titignan ko kung kaya mo ba?" mahabang sabi ko.

Bumuntong hininga sya bago ko tinignan. "P-pag ginawa ko ba tong gusto mo makakaasa ba kong sasagutin mo na ko?" there's a hope in his eyes.

I can let him down if you want. "Well it depends." sabi ko.

"Huhh? Panong it depends? Ang labo naman eh." nakakainis sya yung magulo dito eh.

"Pwede wag atat? It depends, kung gagawin mo yun malalaman ko kung mamahalin ba kita? Pag-aaralan ko naman eh, pero pag hindi ahmmmm.. sana mahalin mo bestfriend ko hindi naman mahirap yun eh, madali pa nga yun kasi mahal ka nun, mahal na mahal ka nun. Ako walang pagmamahal, nagsasayang ka lang ng time, attention and effort sakin." a moment of silence after.

"Ano?" tanong ko ulit.

"Oo na, sige na pero sana matutunan mo dahil hindi ko alam kung matututunan kong mahalin ang taong hindi ko gusto." I turn my back on him at naglakad na palayo. Well hindi naman mahirap mahalin si Ash eh, hindi naman mahirap magmahal ng taong mahal ka naman.

End of flashback..

Bigla akong binatukan ni Ashtrid kaya nabalik ako sa ulirat. "So kailangan tulala ka din? Ako lang dapat nag-eemote dito okay? Wag ka ngang gaya gaya ka."

"Wag kana kasing baliw dyan hindi ako sanay, ayan tuloy nahahawa ako sayo, tara kain tayo sa labas. My treat."ngumiti ako at hinawakan sya sa braso.

"Tara. Basta libre mo ah?" nag nod lang ako at hinatak na sya. Kahit ano, basta kaya kong ibigay sa bestfriend ko ibibigay ko.

--

To be continued..

Unlove By The One You LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon