C9 >

108 3 0
                                    

Unlove By The One You Love

© originally wrote by : DropDownByMyGravity

Unusual feelings

Continuation..

Sandrix's POV

Nandito ako sa classroom, psh boring. Bakit ba naman kasi napaka-boring magturo nitong English professor na to. Nakow naman mas prefer ko pa kasama si Ashtrid at least masaya kausap at kasama.

Kung nagtataka kayo bakit ganito ang asta ko. Well aba malay ko. Hindi ko rin alam.

Nahahawa na ko dun sa 'so-called-girlfriend ko.' lakas kasi ng sapak eh, parang lasing na baliw lang kaya siguro natutuwa akong kasama sya. I find her fun to be with actually nag-eenjoy na nga ata ako with her, hindi kasi sya naubusan ng sasabihin walang preno yung bibig nya at first it's kinda annoying for me pero habang tumatagal masaya naman pala. Oh di ba nakakahawa? Haha.

About 30 minutes lang at nag-dismiss na din ang boring namin prof. YES, nakakasawa kasi na daily routine ang umupo sa armchair, tumingin sa bintana habang may iniisip na babaeng itinataboy ka naman sa bestfriend nya. How awful isn't it? Psh tama na nga kakaisip.

Habang naglalakad ako sa covered court ng campus naramdaman kong may sumusunod sa likod ko. Pag linggon ko nakita kong si Alliyah pala kaya instead na tumigil ako sa paglalakad ,nagderederetso lang ako habang nakapamulsa, masasayang lang ang oras ko sa babaeng yun, masyado ng chismosa pakielamera pa.

"Hey." tawag nya sakin. Nilingon ko sya at tinitigan.

"Bakit ang flirt ng girlfriend mo?" tanong nya. Naglakad nalang ako ulit, psh walang kwentang kausap.

"Hindi flirt yun, friendly lang." sabi ko sakanya. Hindi ko pa kilala si Ash pero alam ko na hindi sya kagaya nitong si Alliyah.

"Duhhh! Friendly ba yung may pag eye to eye contact kay Oren? Tapos pahawak hawak sa damit nya? How pathetic sa pinsan mo pa?" kumunot ang noo ko sa narinig ko. Yeah, Oren pinsan ko sya, medyo close kami before pero ewan ko ba sa taong yun parang inagawan ko lang ng babae, hindi na ko pinansin nung nalaman nyang kami na ni Ashtrid eh. Ewan siguro selos yata.

"Wag kang nagcoconclude ng mga bagay bagay. Close lang sila, ako boyfriend ni Ashtrid at ako mahal nun." nasabi ko ba talaga yun? I shrugged my shoulders totoo naman eh.

"Wow huhh? kailangan ko bang magpa party nito? You admit na BOYFRIEND ka nga ni Ashtrid? Kala ko ba hindi mo gusto yun at yung bestfriend nya talaga yung gusto mo ex?" nang iinis nyang tanong. Tama ang nabasa ng mga mata nyong nakakabasa. Una Ex ko si Alliyah pero matagal na yun, pangalawa alam nya yung tungkol sa pagkagusto ko kay Azie na bestfriend ng so-called-GIRLFRIEND ko at pangatlo well inaadmit ko na, tama yung sinabi ng ex kong loka loka pwede na syang magpaparty dahil inamin ko ng girlfriend ko si Ash na ewan ko ba parang nadedevelop na ko sakanya. "Wag ka ngang makulit. Shoo." pagtataboy ko sakanya at naglakad na ulit.

Tumakbo sya sa harap ko at hinarang ako. "Ilayo mo si Ashtrid kay Oren. I don't want Oren to fall in to Ash, akin lang si Oren." possessive.

"Whatever." sabi ko at nilagpasan sya. Hindi ko naman mapipigilan si Oren kung mahulog man sya kay Ash it's not impossible to happen dahil nga close sila. Ako lang tong late bloomer sa feelings ko.

TumigiL na din si Alliyah sa pagsunod sakin at matiwasay na kong naglakad, lakas talaga makapang-bwisit ng babaeng yun kahit kaylan. Habang naka-upo sa bench naisipan kong itext si Ashtrid.

To: Ashtrid

- baby where are you?

Pero hindi ko pa man nasesend yung message kay Ashtrid ay nakita ko na sya with Oren. Nag-wave naman sya nung napansin nya akong nakaupo sa bench, nagpaalam na din yata sya kay Oren dahil lumapit sya sakin agad. Bakit kaya ganun hilansa ng mukha nung pinsan kong kumag parang biglang natabunan ng kung anong masamang lupa yung mukha.

Unlove By The One You LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon