Unlove By The One You Love
© originally wrote by : DropDownByMyGravity
English & Drama Club
Continuation..
Azie's POV
After what happened yesterday feeling ko wala na kong kwenta. Galit na sa akin ang bestfriend ko at mukhang hindi na kami magkakaayos pa. Over acting ba ko? Hindi. Ang totoo nyan kaya ko naman mabuhay ng mag isa ng walang magulang, hindi masaya syempre pero dahil kay Ashtrid hindi ko na kayang mabuhay mag isa ng masaya. Hindi ko na kayang mabuhay ng mag isa kasi nasanay na ako sa sistemang andyan sya evertime, anywhere. Magkadikit na nga yata ang bituka namin.
Pero kahapon para talagang gumuho lahat para sakin, parang boyfriend ko na kasi yung babaeng yun eh, magalit na lahat wag lang sya. Nakakainis eto nanaman tong luha ko tumutulo nanaman, ang saklap naman na buhay, bukod kala Mommy at Daddy na lagi nalang akong ineechepwera sya palang ang pangalawang taong nagpaiyak sakin ng ganito. Bestfriend ko yun eh, mahal ko yun, pero dahil lang sa akala kong magiging maayos ang lahat pag dinare ko si Sandrix na mahalin sya, nagkamali pala ako. Hindi pala magiging maganda ang resulta, at first maayos naman talaga eh not until malaman nya. Hanggang nagkagulo gulo na.
Flashback..
"I love you Azie ginawa ko yung gusto mo, pinasaya ko yung bestfriend mo baka sakaling mahalin mo din ako pero..." hindi ko na natapos ang sasabihin nya dahil nakita ko na si Ash sa hindi kalayuan na nakatitig sakin, ng makita nya ako ay tumakbo sya at lumabas ng coffeeshop. Narinig nya?
"Ash please stop, let me explain."
End Of Flashback..
Hindi ko na natuloy ang pagbabalik tanaw ko dahil sa pagtulo nanaman ng luha ko. Sa kalagitnaan ng pag iyak ko dito sa sulok ng dressing room ng auditorium bigla nalang may kumausap sakin.
"I told you. Masakit di ba? Kung marunong ka lang kasi sana makiramdam at hindi mo pinaiiral yang akala mong tama edi sana maayos pa rin kayo ng bestfriend mo. I feel sorry for what happened." iiling iling nyang sabi.
"Please Magi ayoko nang makipagtalo sayo." pinunasan ko yung luha ko.
"Hindi naman ako nakikipagtalo ahh. Sana lang kasi alam mo kung ano yung mga ginagawa mo." magsasalita pa sana ako ng biglang tinawag na kami ng President ng Drama Club. May bago kasi kaming play at ngayon Iaanounce kung tungkol saan, kaylan at kung sino ang mga gaganap.
"Okay guys as you all know, may new play tayo ngayon entitle UNLOVE BY THE ONE YOU LOVE it's actually a pair project of Drama & English Club. Actually two weeks na tong naibigay sa Drama Club pero dahil sa nahirapan gumawa ng script ang writer natin ngayon lang ito natapos."
Napatingin ako kay Magi. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa President namin.
"May pinagawa kasing essay ang President ng English Club about love ang theme, namili sila kung sino ang nakakuha ng pinakamaganda ay ayun ang iprepresent natin. One month preparation for a one hour play.
"So who gonna play the lead roles?" nilagay nya sa baba nya ang daliri nya na parang nag iisip.
"President may we know kung sino ang gumawa ng iprepresent namin?" tanong ni Magi. Umiling lang si President na parang sinasabi na 'As for now secret muna.'
"Ahmm galing po yung story sa English club so?" tanong ni Kisha na isa sa mga co-members namin. Napailing naman ang President namin.
"Don't worry English Club ang nagbigay nito pero ang sabi nila kahit hindi English ang gagawin na play. Any questions regarding sa play?" eto nanaman ang nakakapressure na play. Hindi ko nga alam kung makakapag focused ako dahil sa problema ko tapos eto nanaman another pressure.
"And let's move on.. sige punta na tayo sa lead role."
"For sure si Azie nanaman ang makakakuha ng role of protagonist. She's great deserving pa."
"I want Magi for the lead role. For a change."
"Why? Bagay kaya kay Magi ang antagonist role."
"Alam nyo guys kahit sino naman makakuha ng protagonist role dyan okay lang pareho naman silang magaling eh."
Eto nanaman sila nagbubulong bulungan. Pinagtatapat nanaman kami ni Magi. Pero kahit anong role ang makuha ko ayos lang. Gusto ko nga sana yung hindi yung protagonist at antagonist eh.
"Okay for the protagonist role hmmmm.. by now there will be some sort of changes." then what is that?
"Magi Castilloni for the lead role. and for the antagonist role it's Azie Samonte." dagdag ni Pres.
"I told you."
"Yie exciting."
Side comments nila.
"President? For real?" di makapaniwalang tanong ni Magi.
"Yup. Any objections?"
Nagkaroon ng sandaling katahimikan, as in katahimikan talaga.
"I have an objection president." nagtaas ng kamay si Magi. Talaga? Nag oobject sya? Samantalang gustong gusto nyang maging protagonist dahil lagi nalang sya nasa antagonist role?
"I can't be the protagonist?" reklamo nya, para bang wala sya sa mood. Halos lahat tuloy ng members ng Drama club nagtaka. Hindi talaga maidentify ugali nitong babaeng to.
Magi's POV
Siguro iniisip nyo na ang gaga ko noh? Well I'm not. Ayoko lang maging protagonist sa project na to. Sure ko na kasi kung kaninong story nanggaling to. At kung paano ko nalaman?
Flashback..
Two weeks ago..
"She got it?" biglang sabi ni Oren.
"Got what?" hindi ko kasi maintindihan yung sinabi nya.
"The best love biography ever." roll eyes ni Ash, somehow natatawa ako pag nagiging ganito sya. It's not so her.
"Eh, anong problema? Ayaw mo ba nun may achievement?" pagtataka ko.
"Wala naman dapat ikasaya eh." sabagay.
"Achievement kaya yun. Cheer up, pangit yung palagi kang wala sa sarili."
"This achievement will be an achievement for drama club too." nagtaka naman ako dun, hindi na ko hinintay ni Oren magtanong at sya na mismo ang nagsabi.
"Kasi gagawin tong play. Ayan may project nanaman kayo." ang saya ko naman bigla for the first time na excite akong sa pagiging antagonist role ko.
"Great! So kaylan to magiging play?" excited kong tanong.
"No idea."
End Of Flashback..
And I have a plan for it. "I don't think being a protagonist is my game. Sanay na ko sa antagonist role ko so can Azie and I change our roles? Hindi pa din po kasi ako prepared." bulungan here and there, ang big deal talaga sa kanila ng pagtanggi ko.
"Sabagay. Kontrabida type kasi talaga si Magi eh." sabat nung isa naming co member.
"But? I think you like it? Don't you want some changes about the roles Magi?"
"I'm more comfortable being an antagonist tsaka baka po next play nalang." ngumiti ako hindi naman siguro nila paghihinalaan ang pag atras ko di ba?
"Hmmm okay hindi natin mapipilit kung ayaw.. so Azie for the lead role." tinignan ko si Azie na nasa left side ko lang. Well mukhang wala na sya sa sarili nya. So oo nalang sya. Tignan lang natin kung ano ang mararamdaman mo pag ginawa sayo ang ginawa mo. Tignan natin kung magustuhan mo ang ginawa mo sa bestfriend mo. Let the play begin.
--
Two updates!
To be continued..