Unlove By The One You Love
© originally wrote by : DropDownByMyGravity
The Play
Continuation..
Magi's POV
Two weeks after after idiscuss ang tungkol sa gagawing Play ay final rehearsal, ganun kabilis. Hindi na kailangan ng 1 month preparation dahil na trained kami bilang mga professional theatre actor and actress na dapat sineseryoso ang lahat.
"It's perfect! Absolutely perfect!" our president exclaimed, tuwang tuwa kasi sya sa ginagawa naming pagpreprepare.
Amaze na amaze si President sa final rehearsal namin which is dress rehearsal at the same time. At dahil sa sya ang President nitong club kaya sya na din ang tumatayong Director istudyante din naman sya dito sa university at dahil fourth year na sya at graduation sya ang inassign para mamahala ng isa sa mga clubs. One take lang kasi ang inaabot ng mga scene kung meron mang paulit ulit ayun ay ang mga sampalan na parang gustong gusto ni Azie, but except that sa pinaka climax ng story naman ay naging maayos ang lahat. Siguro kaya ganun ay dahil damang dama ng protagonist ang pang-aapi sakanya ng antagonist. Well she deserve that kind of suffering at least she knew how she'd done to Ash.
"Good job Azie and Magi you really deserve the roles." nagpalakpakan naman ang mga kasamahan namin ako ngumingiti lang. Yeah I really love to be like this, pero paglabas kasi ng Drama club iba na ang tinggin sakin ng mga tao, kala kasi nila kung ano ako sa taas ng stage ganun din ako pag wala na. Kala nila parati namemersonal ako, kasalanan ko ba kung experties ko ang mukhang nagmamaldita? Ang madalas mang-api? That's why I never had the award of being the best actress dito sa school eh, hayss.
"Great job to us." ngumisi ako habang nakatingin sa salamin at tinatanggal ang make up ko.
"We deserve it." Azie smile weakly.
"Oh bakit parang hindi ka naman masaya?" tinignan ko sya mula sa salamin na parang naaawa.
"Bakit naman magiging masaya?" tanong nya. Still naka lukot pa rin ang mukha na parang iritableng iritable na at sinasabing 'Pwede manahimik ka nalang!'
Lalo akong napangisi. I love bullying her. "Kasi you're perfect for the role." she took a glance on me na para bang sinasabing 'Nananadya ka ba?'
Napailing sya at apangisi sya. "Are you happy now?" tanong nya.
I know what she's thinking right now. Naiinis na sya. "Hmmm? why?"
"Kasi binigay mo sakin yung role na to?" napatawa ako ng malakas. Dahilan para mapasilip sa dressing room ang mga nasa back stage.
"As I've said you deserve the role."
Natahimik sya sandali.
"So how it feels?" she knows what I'm pertaining about.
"Awful." kibit balikat nyang sagot.
"Now you feel how she feels." plain na sabi ko at akmang tatayo.
"Thanks to you." napangiti ako, ngiti na parang nang-aasar lang. Inunahan akong lumabas ng dressing room ni Azie. Bitter?
Am I that bad? I guess I'm not. Hindi ba tama naman ako? She deserves to feel it? Paglabas ko ng dressing room nakita ko si Oren na nakasandal sa gilid ng pinto nakapikit at nakapasak ang headphones sa tenga. Tinanggal ko ang headphones nya na galing pa ata sa computer shop at sinigawan sya sa tenga. "Hoy bakulaw bawal matulog dito!"
"Oy andyan kana pala?" nakangisi nyang harap sakin.
"Ay hindi picture ko lang to." inirapan ko sya. Minsan parang baliw lang tong lalaking to eh, ay hindi pala minsan madalas pala.