FTLY 1

7.1K 173 53
                                    

JISOO

Oh my god! Napatingin ako ulit sa alarm clock ko na hindi man lang tumunog. Seriously? Ubos na ba ang battery niyan? Tss. 9:30am na! And what the hell! 10am ang klase ko! Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo na.

"Salamat sa paggising sa akin ah." Sarkastiko kong sabi sa mga pinsan ko na ngayon ay nag aagahan na.

"Kumatok kami sa kwarto mo. Halos sirain na namin yung pintuan pero ayaw mo pa din gumising." Sabi ni Jennie sabay subo ng ham.

"Tama! Halos mapaos nga kami sa pagsigaw." Sabat ni Rose habang kumakain ng fried egg.

"Pero be thankful pa din kasi hinintay ka namin." Nakangiting sabi ni Lisa.

Whatever! Kahit naman ganito ako. I mean, kahit tulog mantika ako I know they love me naman.

Okay! Enough for the drama na.

Ako nga pala si Jisoo Villarama. 18 years old. Nursing ang course ko. Yung tatlong babae naman kanina ay ang mga pinsan ko. Iba iba kami ng course pero iisa lang ang university na pinapasukan namin. Lahat kami ay 2nd year college na. Nakatira kami sa isang apartment. Ang mga parents kasi namin ay nasa probinsya.

Pagdating namin sa campus kanya kanya na kaming punta sa mga building namin. Ako sa medical building. Si Jennie sa business administration building. Si Lisa sa HRM building at si Rose ay sa office administration building.

"Jisoo!" Napatingin ako kay Ana nang tawagin niya ako. Classmate ko siya sa first subject ko. "Nabalitaan mo na ba?" Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "I guess hindi pa. May mga bagong transferee daw ngayon. And guess what kung sino." Kung pwede pang kumunot ang nakakunot ko ng noo ngayon ay baka kumunot na nga dahil sa nakikita kong halos mangisay na sa kilig ang babae sa harapan ko.

"Sino ba? Magtigil ka nga muna. Para kang may sakit dyan." Sabi ko kaya tumigil siya.

"Ang harsh mo talaga Jisoo. Well, ang sinasabi ko lang naman ay yung pitong naggagwapuhang lalaki galing sa Trinidad University."

"Oh sino yun?"

"Like duh! Hindi mo sila kilala?" Mataray na tanong niya sa akin.

"Like duh! Itatanong ko ba kung kilala ko?" Ginaya ko ang tono ng salita niya.

"Omg lang talaga! Sikat na sikat kaya sila."

"Omg din! Wala akong paki."

Naupo na ako sa upuan ko. Hindi ko naman kasi talaga kilala yung mga sinasabi ni Ana. Tsaka anong paki ko sa kanila?

Pagdating ng iba ko pang kaklase ay yun din ang topic nila. Excited na daw silang makita yung pito. Hindi na daw sila makapaghintay. Meron pa ngang natatagalan na sa pagdating nila. Seriously?! Artista ba ang mga yun? Tuwing madaling araw ba yung show nila kaya hindi ko napapanood? Pinapalabas ba yung commercial nila pag nasa banyo ako? Bakit hindi ko sila kilala? Nandito lang naman ako sa earth.

Omg!!

Baka alien sila?

O kaya ex convict na bagong laya kaya hindi ko sila kilala?

Natapos ang klase namin na wala man lang akong naintindihan. Kaliwa,kanan,harap at likod ay puro bulungan ng mga kaklase ko ang naririnig ko. Naguguluhan daw sila kung bakit hindi dumating yung tatlo sa pitong lalaki eh nursing din daw ang course nila at classmate pa namin sila. Nakaka curious naman ang mga yun parang gusto ko na din silang makita.

Naglalakad na ako papuntang cafeteria para mag lunch. Nandoon na din ang mga pinsan ko.

"Jisoo!" Napatingin ako sa likod ko nang may marinig akong tumawag sa akin pero hindi pa din ako tumigil sa paglalakad kaya ang nangyari naglalakad ako ng patalikod.

Wala naman. Sino ba yun?

Omg! Multo kaya?

Haharap na sana ako ulit nang bigla akong may nabangga. Napaupo ako sa lakas ng impact.

Ouch! Ang sakit sa pwet! Tinulungan naman ako nung nakabangga sa akin.

"Sorry miss."

Napatingin ako sa lalaking nakabanggaan ko.

Ang gwapo niya!

Oh my!

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now