FTLY 13

2K 106 7
                                    

ROSE

Lunch break na. Buti naman. Kanina pa ako nagugutom eh. Nandito na ako sa cafeteria. Nakaupo sa usual spot naming magpipinsan. Hinihintay ko sila Jennie at Lisa. Mamaya pa kasi ang klase ni Jisoo.

Pagdating nila bumili na din kami ng pagkain namin.

Isusubo ko na sana ang panglimang kutsara ng kanin ko ng dumating sila Jin,Jimin,Raphael at Johnny.

"Hi girls. Pwede bang makisabay?" Kumindat pa si Jimin pero kay Jennie naman nakatingin.

Something fishy ha.

Umirap lang si Jennie sa kanya.

"Sige okay lang." Sabi ng pinakamabait kong pinsan na si Lisa.

Kung si Jennie may pagkamaldita. Si Lisa naman mabait. Ako maganda. Si Jisoo alien hahaha. Joke!

"Rose may assignment ka na kay Ms.Flora?" Tanong ni Johnny. Classmate kasi kami.

"Wala pa. Next week pa naman yun di ba?"

"Haha pareho pala tayo. Next week ko din gagawin yun eh. Isang kindat ko lang naman kay Ma'am pasado na ako." Jolly siya. Mayabang nga lang.

"Ang yabang mong baba ka!" Asar ni Jimin sa kanya.

"Tumahimik ka pandak ah." Okay? Nagkapersonalan na yata.

"Wag ka nga! Nakakahiya kay Jennie babes." Sabi ni Jimin kaya naman nabilaukan ang pinsan ko na agad ding uminom ng tubig. "Dahan dahan Jennie babes. Nandito lang naman ako."

"Tumahimik nga kayo mahiya kayo sa mga babae." Naiiling na sabi ni Jin.

Napatingin tuloy ako sa kanya. Ang gwapo niya. Ang alam ko magkapatid sila ni Josh sa tatay.

Nagulat ako ng tignan din niya ako kaya naman agad akong nag iwas ng tingin.

Nakakahiya!

Uwian na ng maabutan ko si Jin na nasa labas ng room namin. Hinihintay siguro si Johnny. Maglalakad na sana ako paalis ng tawagin niya ako.

"Rose." Oh my god! Tinawag lang niya ang pangalan ko pero feeling ko nag I love you siya sa akin. Masama na ito.

"B-bakit?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Pakisabi naman kay Jisoo na sabihin kay Josh na late akong makakauwi. Hindi kasi niya sinasagot tawag ko eh. May nakakita sa kanila na magkasama sila ng pinsan mo."

"Ah sige."

I feel disappointed. Sobra yata akong nag assume nang tawagin niya ako.

Pumunta na ako sa cafeteria dito kasi ang hintayan namin ng mga pinsan ko. Naunang dumating si Jennie.

"Problema? Mukhang nalugi ka." Tanong niya pagdating niya.

"Inaantok lang." Pagsisinungaling ko.

Sunod na dumating si Lisa. Nagulat kami dahil kasama ni Jisoo si Josh. I mean kanina pa sila magkasama ah. Nasabi kasi niya sa amin kaninang umaga na magkikita sila ni Josh. Hanggang ngayon?

"Salamat talaga Josh ah. Ililibre kita minsan." Nakangiting sabi ni Jisoo.

"No problem. Sige una na ako." Tumingin sa amin si Josh bago niya binalik ang tingin kay Jisoo. "Bye girls."

"Ah Josh!" Tawag ko sa kanya ng may maalala ako. "Pinapasabi ni Jin na late siya makakauwi. May pupuntahan daw. Hindi ka sumasagot sa tawag niya kaya pinasabi niya nung nagkita kami."

"Sige salamat. Bye." Kumaway siya sa amin.

Kumaway din kami pabalik sa kanya.

"Kayo na ba?" Tanong ko kay Jisoo habang nakasakay kami sa jeep pauwi na kami sa bahay.

"Ni Josh? Hindi ah. Magkaibigan lang kami."

"May nakakita sa inyo kaninang umaga sa coffee shop tapos hanggang uwian magkasama kayo? Nanliligaw ba siya?" Tanong naman ni Jennie.

"Hindi din. Tinulungan lang niya ako sa project namin."

Hanggang sa makauwi kami ay pinipilit pa din namin si Jisoo kung ano ba talaga sila ni Josh. Kung sakaling sila nga, aba dapat naming malaman no. First boyfriend siya ng pinsan namin.

Natigil lang kami sa pangungulit sa kanya ng sabihin niyang wag daw kaming maingay kasi nauutot siya.

At ang bruha tinawanan lang kami ng tumahimik nga kami. Uto uto daw kami. Tss. Alien talaga.

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now