FTLY 3

2.7K 136 19
                                    

JISOO

Halos madapa na ako katatakbo. Nakakaasar na talaga ang pagiging tulog mantika ko. Almost 30 minutes na akong late sa class namin. Nagkataon pa naman na mamaya pang after lunch ang sched nung tatlo kaya naman late din sila gumising. Terror pa naman si Sir Ted. Nakakawalang pag asa. Sana lang late siya or absent. Well, that sounds better.

I sighed in relief when I got in our room. Thanks God wala pa si Sir Ted.

"Buti na lang wala pa si Sir." Ana approached me when I sat on my chair.

Habol habol ko pa din ang hininga ko kaya naman napatango na lang ako sa kanya.

Kinuha ko ang tubig sa bag ko para uminom. Napapikit pa ako ng malasahan ko na ang tubig sa lalamunan ko. Grabe, dinaig ko pa ang nagmarathon.

"Oh my god." I heard gasped kaya naman napadilat tuloy ako.

Napabuga tuloy ako pero buti na lang sa ibang direksyon tumama yung tubig.

"B-bakit?" Nauutal kong tanong sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

May kinuha siya sa bulsa niya at may nilapag sa mesa ko. My ID.

After nun umalis na din siya at naupo sa upuan niya.

Bakit ganoon? Tumayo lang naman siya sa harap ko. Ni hindi nga niya ako kinausap.

Pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?

Bakit?

Bakit Vlad?

Napatingin ako sa kanya bago lumabas ng classroom. Uwian na. Wala man lang akong naintindihan sa klase namin ngayon.

Nang magtama ang mga mata namin ay para akong tanga na biglang tumakbo.

Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Baka isipin niya may gusto ako sa kanya.

Napaupo ako ng bigla akong mabangga sa isang...

Tao?

Ouch! Ang sakit ng pwet ko.

"Ikaw na naman?" Napatingin ako sa nagsalita.

Oh my God! May nakakahiya pa bang mangyayari sa akin ngayon? Ayoko na!

Tumayo ako at pinagpagan ang palda ko. Nakakahiya ka Jisoo! Ugh!

"Clumsy ka ba? O baka naman sinasadya mong mabangga sa akin?" I rolled my eyes in what he said. Really?

"Excuse lang ha. Magkaiba ang accident sa sinadya. Ang yabang mo naman masyado." The nerve of this Stan Clifford? Ang yabang.

"Chill. Masyado kang defensive." He said with a smirk. "Mas nahahalata ka lalo." Huling sabi niya bago umalis sa harap ko.

I hope this is the last time I will encounter with those guys.

-------

Matutulog na sana ako ng biglang magvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko ito sa side table.

From: 0917287****

.

Okay?!

Ang effort niya magtext ah. Nakaka excite makipag textmate sa kanya. Insert sarcastic tone. Tss.

To: 0917287****

Who are u? Wer did u get my number?

From: 0917287****

Don't stare at me.

Seriously?! Paano ko siya matitignan?

To: 0917287****

Humanap ka ng ibang makikipaglokohan sayo! Don't reply!

The nerve of that! Sa akin pa makikipaglokohan? Talaga lang ha! Makatulog na nga.

Pipikit na sana ako ng magvibrate na naman ang phone ko.

From: 0917287****

You don't have to stare if you want to say thank you to me for giving back your ID. Bye.

Oh shit!

What the hell?!

Is that Vlad?

Of course Jisoo! The one and only!

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now