FTLY 45

1.3K 88 13
                                    

JISOO

Dalawang taon na pala. Dalawang taon na pala ang lumipas mula ng mawala siya. Mula nung mawala ang lalaking pinakamamahal ko.

Sa loob ng dalawang taon ay marami ang nangyari. Nakagraduate na kaming lahat. Nagtatrabaho na kami. Engage na si Jennie at Jimin dahil buntis na ang bruha kong pinsan. She's already 5 months pregnant kaya naman tatlo na lang kami nila Lisa at Rose sa apartment dahil lumipat na si Jennie sa condo ni Jimin.

Sa dami ng nangyari hindi ko pa din nalilimutan yung araw na nawala siya. Yung araw na iniwan niya ako. Exactly 2 years from now.

I miss him. So much.

"Hey! Let's eat lunch." Napatingin ako sa nakangiting si Josh sa akin.

Nandito kami ngayon sa hospital. Pareho kami ng duty kaya naman magkasama kami ngayon. Si Stan kasi mamayang after lunch pa ang duty. Ngayon lang siya naiba ng sched sa amin dahil may importante daw siyang pupuntahan pero pare pareho kami ng sched.

"Tulala ka na naman kanina. Iniisip mo siya?" Tanong sa akin ni Josh nandito na kami sa canteen ng hospital.

"Yeah. Sumagi siya sa isip ko. Dalawang taon na eh." Napangiti ako ng mapait.

I feel sorry for Josh. 1 year ago ay nanligaw ulit siya sa akin. He's such a good boy pero ayaw ko pa siyang sagutin lalo na't alam ko sarili ko na hindi pa ako nakakapag move on and I don't want him to be a rebound.

----------

Today is weekend kaya naman nandito kami sa bar na pagmamay ari ni Jin. We always hang out every weekend para naman mag enjoy kami at mawala muna kahit sandali ang stress sa trabaho.

Lisa is now a manager in a five star restaurant like Jin pero may sarili ng business si Jin which is ito ngang bar.

Si Rose naman ay nagtatrabaho sa company na pagmamay ari ng pamilya nila Jin. Si Jennie ay dating secretary ni Jimin pero dahil nga buntis siya ay huminto na siya sa trabaho.

Si Johnny, Jimin at Raphael ay CEO na sa mga company nila.

Kami namang tatlo nila Stan at Josh ay mga registered nurse na.

Kanya kanya na silang inom ng mga wine nila pero kaming mga babae ay juice lang. Ayaw kasi nila kaming nalalasing dahil kakaiba daw kami. Sus. If I know ayaw nila kaming malasing dahil kami ang aalalay sa kanila.

"Pumunta pala ang private investigator na kinuha natin two years ago." Bigla kong nailapag ang basong hawak ko sa lamesa ng marinig ko ang sinabi ni Raphael. "Wala pa ding balita. Miski si piggy hindi pa din nahahanap." Malungkot niyang sabi.

Hanggang ngayon pala ganun pa din yung sakit. Parang kahapon lang nung nawala siya. Sobrang sakit pa din.

Napatingin ako kay Josh ng hawakan niya ang nanginginig kong mga kamay. I just smiled at him para hindi na siya mag alala pa.

"R-restroom lang ako." Pinilit kong wag ipahalata na naiiyak na ako.

Pagdating ko sa CR ay doon ko binuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Nasaan ka na ba Vlad?

Bumalik ka na sa akin.

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now