FTLY 29

1.6K 107 8
                                    

JOSH

Kanina pa ako nakatingin kina Vlad at Jisoo. Kinukulit ni Vlad si Jisoo habang si Jisoo naman ay pilit pinapalayo si Vlad sa kanya. Nakakatawang isipin na pinapanood ko pa sila samantalang nasasaktan ako.

Kung sana..

Kung sana may lakas ng loob akong aminin sa kanya..

"Baka matunaw." Napatingin ako kay Stan dahil sa sinabi niya. "Wag mo ng tignan kung nasasaktan ka."

"Kaya ba sa iba ka nakatingin?" Alam ko namang may gusto din siya kay Jisoo eh.

"May mga bagay na mas magandang wag na lang alamin o sabihin." Makahulugang sagot niya.

"Bakit? Paano kung may pag asa pala? Paano kung umamin ka at ikaw ang pinili?" Sabi ko at muling tumingin sa dalawa.

"Pero paano kung hindi? Mas masakit mareject Josh." Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin na din siya kina Vlad.

"Mas masakit kapag wala kang ginawa. Ipaglaban mo kung kaya mo. Kapag pinatigil ka niya saka ka bumitaw." Sagot ko naman at napangiti ako ng makitang palapit sa amin si Jisoo.

"Edi umamin tayo." Hamon sa akin ni Stan kaya naman lihim akong napangiti.

"Josh! Stan!" Tawag ni Jisoo ng makalapit sa amin. Nakasunod lang sa kanya si Vlad. "Kausapin niyo nga itong kaibigan niyo. Kanina pa ako pinipeste." Sumbong niya sa amin.

"Wag mo kasing guluhin Vlad." Sabi ko.

"What? Wala naman akong ginagawa." Natatawang sabi niya.

"Wala daw. Tss. Hanapin ko lang mga pinsan ko."

"Samahan na kita." Sabay na sabi namin nila Vlad at Stan.

"Fine! Basta wag kayong magulo ha. Lalo ka na!" Turo niya kay Vlad.

--------

JISOO

Nakakapagod!

Mas napagod pa ako sa pamemeste sa akin ni Vlad kaysa sa pamamasyal. Nakauwi na kami dito sa resthouse at bukas ng umaga ay babalik na kami sa amin.

After mag dinner ay dumiretso na sa kwarto ang mga kasama ko pero ako ay heto, nag stay muna sa balcony sa second floor.

Malamig at masarap ang simoy ng hangin dahil sa dagat. Nakakarelax. Napapikit ako at mas sumandal pa sa upuan. Hay. Ang sarap talagang mamuhay lalo na kung walang problema.

"Ay problema!" Sigaw ko ng may biglang umihip sa tainga ko.

Narinig ko ang tawa ni Josh sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Langya ka naman Josh eh! Wag ka nga manggulat!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Sorry." Natatawang sabi niya at umupo sa tabi ko. "Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Wala lang. Hindi pa kasi ako inaantok. Ikaw?"

"Ganun din." Napansin kong nakatingala lang siya sa langit kaya napatingin din ako doon.

"Ang daming stars no! Tignan mo yun! Parang hugis puso." Sabi ko at itinuro ang nakita ko. Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin na pala siya sa akin.

Dahan dahan kong naibaba ang kamay ko at nakipagtitigan sa kanya.

Ang gwapo talaga nito. Kamukha niya si Jeon Jungkook ng BTS eh.

"M-may dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko dahil parang wala naman siyang balak magsalita.

Na starstruck na yata sa beauty ko. Charot!

"Jisoo." Ewan ko pero napalunok ako ng marinig ko ang malalim na boses niya. Ibang iba sa boses niyang may pag ka jolly. "Gusto kita."

At ayun na nga! Tuluyan na akong napanganga.

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now