FTLY 19

1.8K 108 3
                                    

JISOO

Sa wakas!! Finals na din. Hay nakakaloka. Ang daming projects, training at iba pa. Nakakadrain ng utak at nakakaubos ng allowance.

"Ang aga mo ah." Napalingon ako kay Josh ng sumabay siya sa akin sa paglalakad.

"Well ganun talaga. Excited na sa finals kasi after nun bakasyon na." Ngiting ngiti na sabi ko.

"Oh. What's your plan for vacation?"

"Uuwi kaming magpipinsan sa Batangas."

"Maraming beach dun di ba?"

"Sakto lang." Sagot ko bago maupo sa upuan ko. Nandito na kami sa classroom.

"Himala ah. Naunahan natin sila Vlad at Stan."

"Oo nga eh. Medyo nalasing kasi ang dalawang yun kagabi."
Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Bakit? Nag inuman kayo kagabi?" Tanong ko.

"Parang ganun na nga. Nag aya kasi si Raphael may family problem eh."

"Ganun ba? Is he okay na?" Tanong ko. Naging malapit na din kasi sa akin si Raphael.

"Medyo okay na."

Maya maya ay magkasunod na dumating si Vlad at Stan. Halata ngang may hang over sila pero pinilit nilang pumasok dahil final exam na ngayon.

After ng exam sa tatlong subject ay nag lunch break na kami. As usual kasama namin yung pito.

"Di ba taga Batangas kayo girls?" Tanong ni Johnny. Napatango naman kami sa kanya.

"Great! May resthouse kasi sila Mommy doon. Naisipan namin na sa Batangas mag bakasyon." Nakangiting sabi niya.

"Ano ba yan?! Kahit bakasyon makikita ko ang bansot na to?" Di makapaniwalang tanong ni Jennie.

"Babes naman. Wag mo naman ako masyadong ideny sa mga kaibigan natin." Naiiling na sabi ni Jimin. "Nakakasakit ka na."

"Mandiri ka nga bansot!" Sigaw ni Jennie at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Jisoo." Napatingin ako kay Stan ng tawagin niya ako.

"Bakit?"

"Magpapasama sana ako sayo mamaya."

"Saan?" Tinignan ko ng masama si Vlad nang sumabat siya sa usapan namin.

"Ikaw si Jisoo ha?" Pagtataray ko sa kanya. "Saan ba Stan?" Tinignan ko ulit si Stan.

"Sa mall lang. May bibilhin ako and I need a girl to accompany me since babae ang reregaluhan ko."

Napatakip ako sa bibig ko.

"OMG! May nililigawan ka na? Sino? Ang duga mo hindi mo pinapakilala sa amin." Hinampas ko siya ng isang beses sa braso.

"Nililigawan agad? Hindi ba pwedeng birthday ng pinsan kong babae kaya reregaluhan ko siya?" nakasimangot niyang tanong.

"Ah. Hehe. Sorry naman." nakangiting sabi ko at nag peace sign pa.

"So sasamahan mo ba ako?" naiinip niyang tanong.

"Sige sige. Basta ilibre mo ako sa Jollibee ha." Nakangiting sabi ko.

"Deal."

"Sama kami." Sabi ni Raphael.

"Oo nga. Wala naman kaming gagawin." Segunda ni Johnny.

"Tss. Istorbo." Bumulong si Stan pero hindi ko na masyadong narinig.

----------

Short update muna. Medyo busy lang.
Guys! Kung may time pa kayong magbasa sana basahin niyo din yung dalawa ko pang story.
The nerd and the hotties tapos yung kakapublish ko lang kagabi na The nerdy boy hehe.
Sana support niyo din.
Maraming salamat!

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now