FTLY 36

1.4K 96 3
                                    

Dedicated to @LeanneMaeCoronel5. Salamat po sa pagsuporta sa story na ito 😀😀

--------

JOSH

Kahit nagtataka ay nagpahila lang ako kay Jisoo. Hindi ko alam kung bakit at kung saan kami pupunta pero kung siya naman ang kasama ko ay okay lang.

Okay ang corny ko.

"Jisoo bakit?" Tanong ko ng tumigil kami dito sa gymnasium.

Nagulat na lang ako ng niyakap niya ako habang umiiyak.

"Jisoo bakit?" Nag aalala kong tanong. "May masakit ba sayo?"

"M-masakit Josh. S-sobrang sakit. Hindi ko na k-kaya." Umiiyak niyang sabi.

"Dahil ba kay Vlad at Monique?" Humiwalay siya sa akin dahil sa tanong ko.

"P-paano mo nalaman?"

Ngumiti muna ako sa kanya bago ko pinunasan ang luha niya.

"Siya ba? Si Vlad ba ang napili mo?" Kahit alam ko na ang sagot ay gusto ko pa ding marinig mula sa kanya.

"Hindi na mahalaga kung siya. Wala na rin namang mangyayari eh." Sagot niya. "Sana hindi na lang siya."

"Tama na. Wag ka ng umiyak. Hindi naman talaga sila. Si Monique lang ang nagpipilit na sila."

"Sana ikaw na lang. Dapat ikaw na lang Josh."

Sana nga. Sana nga ako na lang Jisoo.

---------

"Nasaan siya? Nasaan si Jisoo?" Tanong ni Vlad pagkarating ko sa classroom.

"Eh si Monique? Nasaan siya?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Hindi ko alam. Now tell me, where is Jisoo?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"Tigilan mo na siya Vlad. Si Monique na lang ang asikasuhin mo."

"Josh!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Jisoo pero napakunot ang noo ko ng makitang may kasama siyang ibang lalaki.

Teka. Siya yung nakilala niya sa Tagaytay ah.

"Naaalala mo si Andrei? Yung nakilala ko sa Tagaytay?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"O-oo. Bakit siya nandito?" Nagtatakang tanong ko.

"Dito na din siya mag aaral. Nakapasa siya sa exam for scholarship." Nagkatinginan silang dalawa at naghagikhikan.

--------

JISOO

"Saan mo nga ulit nakilala ang lalaking yun?" Tanong ni Jennie.

"Jennie naman. Paulit ulit talaga? Andrei ang pangalan niya. Nakilala ko siya sa Tagaytay noong nagtraining kami doon."

Nandito na kami ngayon sa bahay at naghahapunan.

"May gusto siya sayo?" Usisa ni Rose.

"Wala no. Magkaibigan lang kami."

"Buti naman. Kasi kung sakaling type ka din nun aabot na sa korea ang buhok mo." Pang aasar sa akin ni Lisa.

"Edi wow."

Papikit na sana ako ng mag vibrate ng sunud sunod ang cellphone ko kaya naman bumangon ako para basahin kung sino ang nagtext.

Nanlaki ang mata ko ng makita kung sinu sino ang nagtext. Seriously? Kailangan sabay sabay talaga?

Una kong binasa ang text ni Andrei.

From: Andrei

Goodnight Jisoo. See u tom :)

Napangiti ako at nagreply ng goodnight din.

Sunod naman ay ang kay Stan.

From: Stan

Let's talk tomorrow. See u @ the cafe near at university. 9am. Goodnight Jisoo :)

To: Stan

Okay po. See u. Goodnight Stan :)

Next naman ang text ni Josh.

From: Josh

See u in dreamland Jisoo :)
Wag ka ng iiyak ha. Sweetdreams.

Napangiti ako sa text ni Josh.

To: Josh

Thank u Josh. Salamat kanina. See u in dreamland too. Goodnight :)

Huminga muna ako ng malalim bago basahin ang text na galing kay Vlad.

Feeling ko biglang tumalon palabas ang puso ko ng mabasa ko ang text niya.

What the hell Smith?!

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now